6

890 22 0
                                        

--

--






Wala na akong magawa.

Inalalayan ako ni Rafael maglakad habang conscious pa rin ako na malapit lang siya sa akin.

At hinahawakan niya ako!

Paano ako napunta sa sitwasyon na 'to kasama siya?

Pero dahil sa nararamdaman ay halos hindi ko na inisip ang presensya niya. Sumakay ako sa kanyang sasakyan habang inaalalayan niya pa rin.

Gusto kong tumanggi, gusto kong sabihin na magtataxi nalang ako. Pero hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko, lalo na ang pag ikot ng mundo ko. Ang bigat bigat pa ng katawan ko.

"Where's your home?" tanong ni Rafael nang makasakay na rin siya sa sasakyan.

Nakapikit ako at hindi ko masyadong naintindihan ang tanong niya.

"Where's your fucking home, Joan?" ulit niya sa mas kritikal na boses.

Mabilis kong sinabi sa kanya kung saan ang apartment ko sa takot sa boses niya. Kabado ako kahit na ganito na ang pakiramdam.

May kung ano sa tono niya na nagsasabing inaabala ko siya nang sobra sobra.

Nagi-guilty tuloy ako. Parang gusto ko nalang buksan ang pintuan ng sasakyan niya at magpahulog doon para lang wala na siyang responsibilidad.

Pero masyado na talaga akong nanghihina para gawin 'yon. At tingin ko, mas lalo ko lang siyang maaabala kung gagawin ko 'yon.

Sinubukan kong buksan ang mga mata ko para lang tignan si Rafael. Sandal ang ulo ko sa backrest ay unti unti ko siyang nilingon.

He's serious while driving. I can also see his jaw clenching repeatedly. Sa anggulo niya, dahil nakatagilid siya sa view ko, kitang kita ko ang tangos ng kanyang ilong. Ang ang makakapal na kilay, nakakunot.

Naabala ko nga siguro siya nang sobra sobra para magalit nang ganito. Medyo kinakabahan na tuloy ako dahil baka mainis na siya nang tuluyan sa akin.

Not that he's still not annoyed right now. Alam kong inis na siya. But I don't want him to... somehow... hate me... for this.

I like him. And... I don't want to be hated... by someone I like.

Napapikit ako. Damn it. May girlfriend na 'yong tao, Joan. Stop thinking about that!

Kung mainis man siya sayo o hindi, wala kang magagawa! Kasalanan mo naman 'to at natulog ka pa talaga sa library!

Unti unting tumigil ang sasakyan kaya agad akong dumilat. Nakita kong nasa harapan na kami ng apartment ko.

Agad agad akong umayos ng upo at tinanggal ang seatbelt ko kahit mabigat pa ang pakiramdam. Ayoko lang dagdagan pa ang oras na sinasayang niya sa akin.

"S-Salamat sa paghatid. Salamat din sa... gamot at tubig."

Gusto ko sanang sabihin na babawi ako sa kanya bilang kapalit pero hindi maganda 'yon. May girlfriend na siya at may gusto ako sa kanya. Pakiramdam ko mali ang pag-lapit ko pa sa kanya.

"T-Thank you, Rafael..."

Binuksan ko ang pintuan. Pero nagulat ako nang binuksan niya rin ang kanya at lumabas.

Nakalabas na ako at kaya ko nang tumayo nang maayos. Medyo nabawasan na rin ang sakit ng ulo ko. Kaya lang nahihilo pa rin ako nang kaunti pero ayos na talaga.

Rafael is still serious. He looked at me while he's nearing me. His eyes are... cold and... scary. Para bang galit siya sa kung ano. Especially when his jaw is clenching so bad.

Stolen Love - Rafael AldamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon