--
--
Hindi ko alam kung nangyari ba talaga 'yon.
Paggising ko akala ko panaginip lang. Pero nang maamoy ko ang pamilyar na panlalaking pabango sa aking damit, alam ko agad na nangyari talaga 'yon.
Nahihirapan akong bumangon at sumasakit pa ang ulo ko.
Naunang bumalik si Rafael sa table namin kagabi. Ilang minuto pa ako sa banyo, pinapakalma ang sarili sa nangyari, bago bumalik na rin.
Pero pagbalik ko, wala na si Rafael at si Alyana. Sabi nila umuwi na raw dahil maaga lang si Alyana at si Rafael ang naghatid sa kanya.
Sinubukan ulit ako ng mga girls kumbinsihing uminom pagbalik ko. Wala na kaming nagawa ni Trisha. Even her can't stop them anymore.
Nakakahiya namang tumanggi ulit kaya uminom nalang ako para matapos na. Tatlong shot lang yata ang nainom ko pero... taob agad ako.
It was my first time drinking so...
Si Trisha ang nag uwi sa akin. Hindi niya ako pinabayaan at kailangan ko siyang pasalamatan ng marami.
Buti nalang walang pasok. May trabaho ako ngayon ng alas diyes hanggang hapon kaya naghanda na ako kahit medyo may hang over pa.
Nang mag Lunes naman ay sa coffee shop ako. Inabala ko nang inabala ang sarili ko dahil may ayaw akong... maalala.
Totoo ang nangyari nung gabing 'yon pero... ayaw ko nang isipin. Malinaw niyang sinabi na mahal niya si Alyana at na... gusto niyang iwasan ko siya.
Alam niyang lagi akong tumitingin sa kanya. Hindi na ako magtataka dahil palaging nagtatama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko 'yon maitatanggi.
Dahil lang ba do'n... naramdaman niya agad na gusto ko siya? Kaya ngayon gusto niya akong palayuin sa kanya kasi may mahal na siya, may girlfriend na siya?
Pumikit ako at umiling. Ayaw ko nang isipin 'yon pero... kung gusto niyang lumayo ako o iwasan siya o... hindi ko na siya tignan, gagawin ko. Iyon naman din ang balak kong gawin at ngayong sinabi niya na rin, mas lalo ko na siyang gustong iwasan.
Kaya sinumulan ko na talagang iwasan siya. Sinunod ko siya.
I always look down or pretend that I'm reading something on my book or on my phone whenever they're near or whenever we're in the cafeteria.
Lagi silang medyo malapit sa amin kaya kailangan ko talagang abalahin lagi ang sarili ko para lang hindi makatingin.
"Joan! Hi!" ngumiti si Alyana sa akin nang magkasalubong kami sa hallway.
It's been a week since the bar. It's been a week noong iniwasan ko si Rafael.
Kasama ko si Trisha at ang mga kaibigan niya. Trisha is beside me.
"Hi..." nahihiya akong ngumiti sa kanya, hindi makatingin sa mga kasama niya lalo na sa... katabi niya.
Lumunok ako, kabado agad.
Tuwing naaalala ko ang nangyari noong gabing 'yon, hindi ako mapakali at... sobra akong naiilang.
"Uy! Sa'n kayo punta? Uuwi na?" bati ni Trisha at huminto kami.
Kumakalabog ang puso ko. Niyakap ko nang mabuti ang libro ko at kunwari may nagtext sa cellphone.
Hinanap ko 'yon sa aking bag at inabala ang sarili ko roon. Medyo umatras ako palayo sa kanila.
"No. Tatambay pa kami sa coffee shop. You wanna come?"
"Sure!"
Pumayag agad si Trisha at ang mga kasama niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/347110662-288-k188485.jpg)
BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomansaSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...