--
--
Loving him was painful yet... very comforting.
Kahit marami silang sinasabi sa akin, kahit mas lalong dumarami ang mga taong ayaw sa akin... okay lang. Nagmahal ako at hindi ko 'yon pinagsisisihan. Masaya ako... na nakasama ko si Rafael kahit sa maikling panahon lang na 'yon.
Hindi ako galit sa kahit na sino. Hindi ako galit sa mga taong nagsasabing mang aagaw ako. Hindi ako galit sa mga taong nagsasabi ng masasakit na salita sa akin. Hindi naman nila alam ang totoong nangyari kaya... hindi ko sila masisisi.
Hindi ako... galit kay Alyana. Lalo na sa kanya.
Nasaktan siya. Mahal na mahal niya si Rafael. Naiintindihan ko siya. Nasa proseso pa siya ng pag-hilom at pagtanggap sa nangyari. At gusto ko siyang bigyan ng oras. Kung hindi niya pa kayang makita si Rafael magmahal ng iba, magsasakripisyo ako para lang maging madali sa kanya ang lahat.
Naging mabait siya sa akin. Pero kahit naman hindi siya naging mabait sa akin, gagawin ko pa rin 'to. Kung ako ang nasa posisyon niya, masasaktan din ako. Sino nga namang hindi masasaktan kung may gusto agad na iba ang lalaking mahal na mahal mo. Magagalit din ako. At malilito.
Oras siguro talaga ang kailangan para maging maayos ang ng lahat 'to. Kahit na masakit sa aking iwan si Rafael, alam kong darating ang oras na magiging maayos din ang lahat. Gaya nga ng sinabi ni Mama tungkol sa mga bulaklak... kung nakatadhana talagang mamulaklak ang isang bulaklak, mamumulaklak ito kahit anong mangyari.
Kung nakatadhana talagang maging kami ni Rafael... magiging kami kahit anong mangyari. Bigyan lang ng oras at maging mahaba ang pasensya.
Yun ay kung... para sa akin nga ba talaga siya.
Umirap si Klariz nang makita niya ako. Nagtapon siya ng basura sa malapit na basurahan at humalukipkip. Nakita ko ang dalawa niyang kaibigan sa tabi niya. Pero ang pinaka hindi ko inaasahang makita ay si Alyana na kasama nila.
Natigil ako. Alyana looked at me with so much disgust in her eyes. Halos walang tao sa hallway ng office ng Dean. Katatapos ko lang mag-pasa ng papers doon dahil nautusan. Tapos nakita ko sila.
"Nandito ka pala, Joan," ngumiti 'yong katabi ni Klariz.
Huminga ako nang malalim at tumingin kay Alyana. Nakatitig lang din siya sa akin at ibang iba ang titig niya sa akin ngayon kumpara sa mga tingin niya sa akin noon. Hindi na ako nagulat. Naiintindihan kong galit talaga siya.
"Alyana... pwede ba kitang makausap?" sinubukan ko pa rin magtanong kahit alam kong hindi niya ako kakausapin.
Nagtaas siya ng isang kilay. Natawa si Klariz at ang mga kaibigan niya.
"Para saan pa?" tanong ni Alyana.
"G-Gusto lang sana kitang makausap tungkol sa-"
"Tungkol saan? Sa pang aagaw mo kay Rafael?"
Muling natawa sina Klariz doon. Kinagat ko ang labi ko at bumagsak ang mga mata sa sahig.
"Ano? Sasabihin mo na naman na hindi ka mang aagaw? Come on, Joan! Sinong maniniwala sayo?"
Hindi ako nagsalita.
"Obvious na inagaw mo si Rafael sa akin. Paano mo ipapaliwanag na gano'n kabilis pinopormahan ka agad niya? O baka naman matagal mo na siyang nilalandi kaya pagka-break namin, kayo agad?"
Klariz chuckled. "Well, that's very obvious."
"Hindi na dapat tinatanong 'yan, Alyana."
"She stole him from you. Wala na dapat tanong tanong."
![](https://img.wattpad.com/cover/347110662-288-k188485.jpg)
BINABASA MO ANG
Stolen Love - Rafael Aldama
RomanceSWEETEST FALL SERIES #1 How can you love someone even when he or she can't love you back? Are you that so in-love to endure the pain and still go on? Ano nga ba ang nagagawa sa atin ng pag ibig? Bakit tayo patuloy na nagmamahal kahit hindi tayo mina...