Prologue

1.2K 37 78
                                    

"I'm. . . sorry, miss."

I examined my most treasured and ancient camera. The screen was cracked. Its body appears to have been smashed. It looks like a freshly served sandwich underneath his ford ranger wheels.

Medyo nakakapanghinayang. Kanina kasi payapang nakasabit pa ito sa leeg ko. Ngayon, yuping-yupi na.

"I am sincerely sorry, miss. I wasn't paying attention while driving. No excuses, it was all my fault---"

Nagkibit balikat ako. "Ayos lang, sira na 'to."

Bahagyang nanliit ang mga mat niya. Tapos napakunot ang noo niya. Halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Ayos lang naman talaga. Hindi niya naman kasalanan kung nilapag ko itong camera sa kalsada. Kinukuha ko kasi ang earbuds ko dahil nahulog ito. Tapos noong kukuhanin ko na sana itong camera ko ay nayupi na ng gulong niya.

Medyo nagulat nga rin ako. Dahil kung normal na araw lang ito, malamang tatakbuhan niya na ako na parang walang nangyari.

"Ayos lang talaga." inangat ko sa ere ang camera ko. "Ikaw? Ayos ka lang ba? Parang namumutla ka. Tapos ang bilis mo pang magsalita." kinagat ko ang labi para pigilan ang pagtawa. Namumutla kasi ang balat niya. Mukhang hindi niya rin ito inaasahan.

"Are you serious?" nawiwurduhan niyang tanong.

Kinuha ko ang crochet hat na nasa ulo ko saka pinaypayan ang mukha ko. Ang init na sa balat ng sinag ng araw.

"Ayos nga lang." ngumiti ako habang siya ay pinagmamasdan ang mukha ko. Mula sa maputla niyang balat, bumalik na ang kanyang kulay. "Ayos lang talaga. Sagutin mo na ang cellphone mo. Nakakabingi ang ingay eh." dagdag ko at itinuro ang cellphone na hawak niya.

Kanina pa ito nag r-ring ngunit dahil nasagasaan niya ang camera ko, hindi niya muna ito sinagot. Inasikaso niya muna ang paghingi ng tawad sa akin. Mabuti pa siya, unlimited sa paghingi ng sorry.

"Excuse me, I need to answer this." seryoso niyang sinabi bago sinagot ang tawag.

"Sige lang. Aalis na rin ako." bulong ko at ibinalik ang crochet hat sa ulo ko.

"Yeah? Adie! I'm on my way. . . no tapos na akong maligo--- I'm not a scam. . . Malapit na talaga ako." sunod-sunod niyang sagot sa kabilang linya.

Nagkibit balikat ako at pinadulas ang rollerblade malapit sa malaking trashbin. Inarko ko ang dalawang kamay at umaktong isho-shoot 'yong camera doon. Gumawa ito ng ingay kaya napatalon ang pusa sa gulat.

Pinadulas ko ulit ang rollerblade hanggang makalabas ako ng subdivision. Huminto muna ako saglit sa seven eleven para bumili ng mogu-mogu. Mabilis lang ang pagkilos ko dahil late na ako sa trabaho ko. Ngumiti ako sa cashier at iniwan ang saktong bayad doon. Pagkatapos ay lumabas din ako kaagad.

"Miss. . ." napatigil ako ng makita nanaman ang lalaki. Totoo palang makulit ang isang Patterson. Nakatuon ang mga mata ko sa kanya habang iniinom ang mogu-mogu ko.

"Would you mind giving me your phone number?" he slowly asked.

Natawa ako habang kumunot nanaman ang noo niya. Lumapit ako sa sasakyan niya at isinandal ang siko ko sa windshield na hanggang gitna ang awang.

"Nanghihingi ka na agad ng number? First interaction palang natin kanina ah?" he was about to speak when I motioned my hand to stop him. "Pero kung gusto mo akong ka-text, sige. Kunin mo na ang phone mo at irerecite ko na."

Namula ang dulo ng kanyang tenga. Umawang nanaman ang labi niya. Gulat na gulat ba talaga siya sa pagkatao ko? Ilang segundo pa ang lumipas at sumeryoso na ang mukha niya. Pero inunahan ko nanaman siyang magsalita.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now