"Are you sure you don't want to come?"
Pinagmasdan ko ang sunflower na binigay niya sa akin. Sabi niya ay bago niya ako iwan para samahan si Pong na mag celebrate ng Christmas ay kailangan niya akong bigyan ng bouquet para daw maalala ko siya.
Iniisip ko ngang baka excuse niya lang 'to para makita niya ako. Medyo busy kasi ako kaya wala akong masiyadong time sa kaniya.
"Do you want me to stay?" tanong niya ulit.
Ngumiti ako saka umiling. "Hindi na. Mag bonding muna kayo ni Pong."
"But are you sure you don't want me to stay with you?"
Natawa ako. Ang kulit talaga. "Ayos lang ako." inangat ko 'yong phone ko sa harap niya. "Pwede mo naman akong tawagan."
"Yeah. . ." mahina niyang bulong.
Isinuot ko sa kaniya ang ginawa kong crochet cardigan para sa kaniya. Napangiti ako ng mapagtantong kasya ito sa kaniya. Pastel color ito dahil mahilig siyang magsuot ng mga pastel color na t-shirt.
"Magkikita naman tayo after."
"I know. . . but I will miss you."
Pinatakan ko siya ng halik sa labi. "Mag pack kana ng mga gamit mo. Dumaan lang talaga ako."
Inabot niya ang bewang ko at niyakap ako. "Thanks for the cardigan, baby."
"Welcome, mag enjoy ka dun."
"Hold on." sinapo niya rin ang pisngi ko at hinalikan ako. It lasted for five minutes. "Thank you for making me a cardigan. I really love it." ngumiti siya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. "I'm so lucky."
"Parang cardigan lang?"
"I'm still lucky though."
"Bakit?"
He smiled and stared deeply into my eyes. "Because it was made by my pulchritudinous girlfriend with her precious hand. I love you."
"I love you."
Sa studio muna ako tumambay pagkatapos kong magpunta sa condo ni Ethan. May mga customers pa rin kami kahit December na pero hindi ito gaanong karami. Usually, kapag two days before mag pasko mag isa ako sa studio. Pero dahil nandito si Jet ay dalawa kaming nagaasikaso sa mga customers.
Maayos naman kami. . . pero hindi na katulad ng dati. Nag sorry na ako sa kaniya matapos ang ginawa ko. Ayos lang naman daw basta huwag ko ng uulitin. Pero nararamdaman kong umiiwas siya sa akin.
Nang isarado ko ang studio ay casual kaming nagpaalam sa isat-isa. Nagpalitan din kami ng Merry Christmas. Hindi na katulad ng dati na aayain niya akong pumunta sa mga kainan kapag pasko. Naiintidihan ko naman siya dahil pareho kaming nasa relasyon. Nanghihinayang lang ako sa pagkakaibigan namin. Na sana hindi ko ginawa 'yong ginawa ko sa kaniya. Dahil wala siyang pinaramdam sa akin kundi pagaanin ang loob ko bilang isang kaibigan.
Nagtungo ako sa Mall pagkatapos. Ang daming tao. Puno ang mga stalls ng mga pamilya na masayang kumakain. Mga kamaganak na bumibili ng mga regalo para sa mga taong special sa kanila.
Huminto ako at tumitig sa mga hairpins. Mahilig si Mercy sa mga ganito. Marami siyang collection ng hairpins at araw-araw ay ibat-ibang style ang ginagamit niya. Iyon lang ang naisip kong regalo dahil lahat naman yata ng bagay na gusto niyang bilhin ay binibili niya.
Bumili ako ng ibat-ibang kulay at mga style. Pagkatapos ay nagtungo ako sa counter at binayaran 'yon. Nag order din ako ng pagkain sa isang fast food. Saglit akong napadaan sa bahay para magbihis ng damit. Pinailawan ko 'yong mga solar lamps sa labas bago dumiretso sa Hospital kasama si Cooper.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24