Chapter 8

254 18 0
                                    

Ilang minuto akong napatitig sa kisame habang inaalala ang nangyari kagabi. Hindi ko pa rin maintindihan kung paano ako nakatulog sa malapad na kama ni Ethan. Nilingon ko ang sofa at nakita ko ang mga unan at kumot doon. Doon nanaman ba siya natulog?

Bumangon na ako at lumabas sa kwarto ni Ethan. Maaga akong nagigising dahil nag momorning jog ako dati. Napatigil ako ng makita siyang nakasuot ng white slacks at white polo. May niluluto siya ngayon kaya nakatalikod siya sa akin.

Lumapit ako sa kaniya at hindi ko napigilan ang mag hikab. "Nakatulog pala ako? Bakit hindi mo ako ginising?"

"You looked tired." he casually said.

Tumango ako at tiningnan ang oras. Mag f-five na. "Aalis na ako. Ayos ka na ba?"

"Eat your breakfast first then I'll drive you to your house."

"Hindi na masakit ulo mo?"

"Maayos na ako." napansin kong namula ang tenga niya. Lumingon siya sa akin at ngumiti. "About last night, thank you for taking care of me."

Umiling ako. "Wala 'yun."

Pinaupo na ako ni Ethan para kumain. Nagpakwento pa siya sa akin kung ano ang nangyari kagabi pero puro tawa lang ang naisagot ko. Nang matapos kumain ay hinatid niya na ako sa bahay.

Pinakain ko si Cooper at pagkatapos ay naligo na. Doon siya mag s-stay sa studio kasama si Ian. Sabi pa nga niya ay lucky charm daw namin si Cooper. Matapos kong maihatid siya ay pumasok na ako sa Bently.

Hawak ko ang strap ng crochet bag ko habang naglalakad sa hallway. Hininaan ko ang pag glide sa rollerblade ng humarap sa direction ko si Sachi. Ang lapad ng ngiti niya. Siya ang palagi kong seatmate noong senior highschool ako. Ang sabi niya, ako lang ang gusto niyang seatmate kasi tahimik akong tao.

Pero ang totoo niyan ay tinatamad akong dumaldal. Kung noon ay lalagpasan ko siya. Ngayon ay ngumiti ako. Umawang ang labi niya. Ano bang meron sa ngiti ko at nagugulat ang mga tao?

May mga bodygurads siya sa paligid. At sana sanay na siya roon. Dati lagi siyang nagrereklamo sa akin kung gaano siya naiirita na may mga bodyguards siya araw-araw. Kaya agad kong nilalakasan ang volume ng headphones ko para hindi ko marinig ang kaingayan niya.

"You looked more pretty." Wala akong makitang rason kung bakit dikit siya ng dikit sa akin dati. Artista nga pala siya at mas nagiging sikat siya ngayon. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako ang gusto niyang maging kaibigan. "Don't worry, maganda ka rin naman dati."

Her carrot haircut suits her. Hindi siya energetic na tao but she's kind of bubbly in front of right people. Laging masungit ang mukha niya sa ibang tao pero ang lakas humalakhak kapag ako ang kasama niya. I know I was weird before. Pero mas nawiwirduhan ako sa kaniya.

I shrugged. "Maganda ka rin." I mean kahit wala siyang make-up maayos at maganda siya.

Hindi na ako nagtagal doon dahil magkaiba kami ng klase. But we both go to the same department. Bachelor of Fine Arts in Acting ang kinuha nilang kurso ng ka-love team niyang si Voniz. At pareho ko silang kaklase noong senior highschool.

I wouldn't even wonder why she got a lot of projects this year. Magaling siya umarte. Pero sabi niya ay gusto niyang kontrabida ang role niya. I don't know, but I think she can handle any roles. Napapansin ko iyon noong may stage play kami.

"Matty,"

Napatigil ako ng makita si Jet. Ngumiti siya at umakbay sa akin. I was used to this kind of his gestures. And I am thankful na hindi akward ang interaction namin ngayon pagkatapos niyang sabihin na gusto niya akong ligawan. Sabay kaming naglakad patungo sa room.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now