Chapter 49

322 6 6
                                    

Everything became vague after that day. It was extremely difficult to grasp everything. I can't even recall why I chose Filming. I forgot the means of my job as I watched the artist perform in front of me. All I wanted to do was finish this project and vanish from the world.

I can't remember the last time I slept well. Every food I taste is bland. Minsan nakakalimutan ko pang kumain. Kung wala si Rowan, walang laman ang tiyan ko.

My obsession with my vices grew exponentially. There's no hour I wouldn't pour liquor into my mouth. I would even smoke while the taping was still going on. Ganun na ako kadesperada para mapakalma ang sarili ko. Dahil kahit anong gawin ko hindi na ako kumakalma.

Nobody made a comment about my unethical behaviour. Pero hindi na ako magtataka kung naba-backstab ako sa set.

With each passing day, I tried to find reasons to keep going. Despite the fact that I was barely surviving, I convinced myself to hold onto my senses. Because I still hope for that day. . . that everything will be fine.

That perhaps. . . tomorrow holds a brighter day for me.

"You're a fucking liar! A fucking cheater and a fucking womanizer!"

I slouched in my chair and drank my hip flask. Malapit na talaga kaming matapos. Ilang linya nalang dapat ang sasabihin nila. Ngunit wala yata silang balak tapusin itong trabaho nila.

I heard sighs from the cameraman. Naging normal na ang ginagawa nila sa set. Halos marindi na nga ang tenga ko. Pero hindi pa rin talaga ako nasasanay.

"I didn't cheat!" Voniz immediately defended.

"So ano 'yung nakita ko? Imahinasyon ko lang? Ano 'yon. . . nag ilusyon lang ako? Kitang-kita ng dalawang mga mata ko!"

"How many times do I have to tell you that I didn't!"

"Wow! Pinapanindigan mo nga talaga. Hindi kalang fucking cheater! Fucking liar kapa! Idagdag mo na ang pagiging fucking womanizer mo!"

Tipid akong ngumiti at tumayo. Ako lang ba o pakiramdam ko ay sumusobra na sila? Nabaling sa akin ang atensyon ng iilan pero 'yong dalawang nasa harap namin ay parang nasa kanilang dalawa lang umiikot ang mundo.

"Direc. . ." kabadong pagkuha ng atensyon sa akin ng ilang staff. Palipat-lipat ang tingin sa akin ng cameraman papunta sa mga artists na nasa harap.

"Uuwi ka na?" nag-aalalang bulong ni Jet.

Siguro ay nasanay na siya na umuuwi ako kapag ganito ang nangyayari. Kasi ano pa nga ba ang dapat kong gawin? Ang pagmasdan silang dalawa sa parehong palpak nilang trabaho?

Kinuha ko ang dalawang pocket knife sa bulsa ko. Mukhang gusto naman nilang magpatayan kaya pagbibigyan ko nalang sila. Baka sakaling makatulong pa ako.

Sobrang nahihiya naman kami sa oras nila. Mukhang naabala pa yata namin sila. Dapat pala nag adjust nalang kami ng oras para naman mabigyan namin sila ng schedule kung kailan sila aakto ng tama at mag-aaway sa harap namin.

"Matty. . ." inabot ni Jet ang kamay ko ngunit nagpatuloy ako.

Nakakaagaw pansin ang tunog ng stiletto ko pero tutok na tutok ang dalawa sa pagpapalitan ng linya. Tumigil ako sa harap nila at sabay silang napahinto.

"Nasa script pa ba 'yan?" malamig kong tanong. Ilang beses silang kumurap sa harap ko at hindi kaagad nakapagsalita.

"Gusto niyong mag patayan?" tanong ko. Inangat ko ang dalawang pocket knife sa harap nila at sumenyas akong kunin nila ito. "Ayan na, ginagawan ko na kayo ng pabor. Kunin niyo na."

Ngunit hindi sila nagsalita at nakatitig lang sa akin. Nakakainis pala talaga kapag pinapagbigyan mo na ang gusto nila pero pag nariyan na, saka naman sila biglang tatahimik.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now