Chapter 23

220 8 0
                                    

Ang daming tao. Hanggang sa labas ng sports center ay nagsisiksikan ang mga tao. Kanina pa kami nagpa ikot-ikot ni Jet para i-guide 'yong mga participants para sa festival dance. Ni hindi ko na maalala 'yong kumakalam kong sikmura kanina.

Hindi ko rin dala ang phone ko kasi baka mawala. Tanging ang camera at sarili ko lang 'yong bitbit ko sa sports center. Minsan ay nagpupunta kami sa backstage para i-check 'yong mga kasama namin sa Bently. Nag d-double check din kami kung may sira ba 'yong custome dahil bawas points iyon kung hindi namin inayos agad.

Nang marinig naming magsalita ang host ay bumalik ulit kami sa loob para kumuha ng clips. Ito naman kasi talaga ang trabaho namin ni Jet. Ewan ko nga ba dito sa kasama ko kung bakit nagpa-scholar. Hindi naman sila naghihirap sa buhay. Atleast ako, reasonable pa kung bakit ako pumasok bilang scholar. Kasi kung hindi ako nakapag apply ng scholarship tiyak na mangongolelat ako dahil wala akong mapagkukuhanan ng pambayad para sa tuition ko.

Halos mabingi 'yong tenga ko sa ingay. Grabe naman kasi 'yong support ng bawat schools. Kahit private or public, magagaling. Talagang ipinaglalaban ng bawat participants 'yong mga pride ng school nila. Malaki rin naman ang premyo na makukuha ng mananalo kaya hindi na kataka-taka kung halos lahat ay magagaling.

"Gutom ka na ba?" tanong ni Jet.

Ngumiti ako sa kaniya. "Ayos lang."

"May pagkain ako. Gusto mo share tayo?"

"Ayos lang talaga, kaya ko pa naman." nag thumbs up ako sa kaniya.

"Paano kung himatayin ka?" natawa ako sa kaniya. Ang oa naman nun. "Sige na, after nito. Kain muna tayo. May five minutes break naman. Kahit ilang subo lang basta magkalaman 'yong tiyan."

Tumango nalang ako sa kaniya. Mahirap talagang isingit 'yong pagkain dahil maraming schools ang kasali sa competition. Tapos ang hirap pa makalabas kaya hindi ako makabili ng snacks.

Gaya ng sinabi niya. Pagkatapos mag present ng isang school mabilis kaming pumasok sa backstage. Hinawakan niya ang kamay ko para makasunod ako sa kaniya. Umupo kami sa bleachers kung saan nakalagay 'yong bag niya.

"Ayos lang ba talaga sayo?" tanong ko ulit kasi medyo maliit lang 'yong kanin niya. Pareho kaya kaming matakaw.

"Halika na." hinila niya ako at pinaupo sa tabi niya. Gumawa siya ng linya sa gitna ng tupperware pero mas marami pa rin 'yong kanin ko. Pagkatapos ay iniharap niya sa bibig ko ang kutsara. "I only have one spoon."

I rolled my eyes at him bago ko isinubo 'yon. Natawa naman siya. Hindi ko naman kasi akalain na hindi ako uuwi sa condo ni Ethan. Late pa kaming na dismiss ng instructor namin kanina. Tapos pag labas namin sa room nakarating na 'yong school bus sa sports center.

"Tubig?" tanong niya. Tumango ako. Pinahawakan niya muna sa akin ang tupperware at kinuha 'yong aquaflask sa bag niya. Binuksan niya ito at ibinigay sa akin tapos kinuha ulit sa kamay ko ang tupperware.

"Sa tingin mo mananalo tayo?" tanong ko sa kaniya. Sinubuan niya ulit ako at tinanggap ko naman 'yon.

"It depends, Matty." nagkibit balikat siya. "I think everybody deserves a chance to win. Considering the time, effort, creativity and money spent on this event."

Tama siya. Lahat naman yata ng schools napa gastos sa event na ito. Kaniya kaniya nalang ng diskarte kung saan kukuha ng resources para gumawa ng mga props at costume. Pagandahan kasi ng costume at props. Tapos need pa ng creativity para unique 'yong script at presentation. At syempre 'yong oras na inilaan mo araw-araw para maging tugma ang bawat galaw ng mga dancers.

Mabuti nalang at natapos na namin ang pagkain bago magsalita ang host. Bumalik ulit kami sa loob para ipagpatuloy ang work namin. May isang presentation doon na natumaba ang member nila. Nasayangan ako para sa kanila kasi maganda 'yong performance nila pero nabawasan din sila ng puntos.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now