Chapter 52

256 8 0
                                    

A: Hello everyone! Salamat sa pag read ng The Captured Moments! Sa pag-abang ng bawat update. Sa pag comment and pag vote! Salamat talaga sa pag suporta niyo. Isa kayo sa nagbigay ng motivation sa akin para ipagpatuloy ko ang pagsusulat. Sadly, last chapter na ito and next nito ay Epilogue na. Sana nagustuhan niyo ang story ni Ethan and Mathilda. 'Yon lang and I love you all! :)))

"Commercial model ka ba ng toothpaste, Ethan?" tinaasan ko siya ng kilay.

Ngumuso si Amare sa tabi niya. Ilang beses na talaga kaming nag take dahil panay lang ang ngti niya habang nakatitig sa akin. Siya kasi itong nag e-endorse ng resort ni Amara. At kasama niya si Amare at Brandon sa advertisement. Tapos na kaming mag shoot sa part ni Brandon pero itong si Ethan inaraw-araw na ang inis ko.

Kinagat niya ang labi at mas lumawak ang ngiti. Umirap ako.

"Why are you so gorgeous?" walang preno niyang tanong.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nangingiti naman ang mga kasama kong staff. Sumenyas ako na umayos siya at mabuti nalang ay hindi na siya naeestatwa sa harap ng camera.

Mabilis kaming natapos dahil may mga staff akong kasama. Tatlong araw na rin kaming nag s-shoot. Nang mai-finalize namin ang lahat ay tinulungan ko munang mag pack up ang mga kasama ko.

"You done?" tanong ni Ethan ng makita ako sa lounge. Tumango ako at sabay kaming naglakad patungo sa parking lot.

"Sa katapusan ng buwan, mag e-start na kaming mag film sa book two."

"Oh, do you need me there?" mahina niyang tanong. May mga international scenes na kasi itong shooting namin ngayon.

"Yong flying school mo."

Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at inalalayan niya akong pumasok sa loob. Grabe kasi 'to, para naman akong bata na madadapa kapag hindi siya nakaalalay sa akin. Pagkatapos ay umikot siya at mabilis na pumasok sa loob.

He shrugged. "They can still function without my presence."

"Yong farm."

"Oh," bumilog ang labi niya. "Well. . . Pong could take care of it."

Umawang ang labi ko. "Bibigyan mo pa ng trabaho si Pong."

Natawa siya at pinatakan ng halik ang kamay ko.

Pagkatapos namin mag-usap sa resort ni Austin, we've been slowly picking up the pieces of our failed relationship. We may not have ended well the last time, but that does not mean we can't fix what remains.

We're taking our time together as lovers. We are trying to balance our relationship. We make sure to step on the same stone and match each other's paces. Iyong tipong walang mas lamang at nagkukulang.

"I informed my parents that we sorted things out. Would you like to see them?" tanong niya ng makarating kami sa farm.

Ilang beses akong kumurap sa harap niya. May parte sa akin na nag aalangan. Because. . . what if they hate me? I hurt their son, and I had no idea what was coming for me.

Ngumiti siya ng mapansin ang pananahimik ko. It was gentle, as if it wanted to wash away my worries.

"They were asking me about you, baby," he said cautiously. "But it's okay if you don't want to see them yet; they'll understand," he assured.

"Are you sure? You're not saying that because you love me?" tanong ko.

"Of course. Don't worry, they're just checking on you."

Napatingin ako sa pagkain sa plato ko. I am contemplating, but I also want to meet them too. I want to apologize for causing their son pain. They seemed strict, but that didn't mean they didn't care about their son. Hindi naman ako kakausapin ng Mommy ni Ethan dati kung wala siyang pake sa anak niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now