Isinilid ko ang portrait na ginawa ko sa isang transparent plastic. Ipinagawa ito ng client bilang regalo para kay Pong. Isang araw ko rin itong ginawa. Sanay na kasi akong gumuhit kaya hindi na ako umaabot ng buong linggo sa pag sketch.
Isinukbit ko ang bag sa balikat at nilingon si Ian na abalang pinagmamasdan si Cooper sa loob ng cage nito. Nakapatong ang paa nito sa kaharap na desk habang ang mga kamay ay nasa likod ng kanyang ulo. Katatapos lang namin mag shoot ngayon.
"Cooper," I whistled.
In response, she quickly wiggled her tail. Two months old palang si Cooper kaya hindi pa siya masyadong mabalbon. Her fur color is a combination of red and brown. Feeling ko tuloy Copper ang ipapangalan sa kanya at masyado lang na-excite si Stanley na bigkasin ito. Poodle nga pala ang lahi niya.
I placed three pieces of treats in her cute bowl. She was tilting her head as a sign of anticipation. I slightly chuckled and patted her soft fur. Kapag nakikita ko ang cute face ni Cooper ay natatanggal na kaagad ang pagod ko. Grabe, para naman ako ang nagluwal sa kaniya.
"I'll be gone for a bit. . ." paalam ko. She made a soft 'aw' and licked my hand.
Kinuha siya ni Ian at hindi na nito natiis ang sarili at kinarga siya. Napaka hyper ni Cooper kaya hindi na ako nag abalang magpaalam muli sa kanya.
Ginamit ko ang skateboard para pumunta sa malapit na mall. I am wearing a crochet top again. I learned crocheting during senior high school. May seatmate kasi akong gumagawa ng crochet tulip flowers.
Diamond ang shape ng suot kong top. May kaunting criscros sa likod and strap na nakatali sa leeg ko. Ang init kaya sa Pilipinas. Gusto ko rin inisin si Mercy at hindi naman ako nagkamali ng kutyain niya ang suot ko.
I paired my top with faded blue jeans and white sneakers. Mas komportable akong mag skateboard kapag jeans ang suot ko.
Inakay ko ang skateboard ng mapatigil sa hagdan ng mall. Nasa kaliwang kamay ko ang portrait na ipinagawa ni Vile. Nag text din ako sa kanya para ipaalam na nandito na ako.
Naglakad-lakad ako hanggang sa tumigil ang mga paa ko sa harap ng screen na lagi kong tinitingnan. Pinagmasdan ko ang mga nakalagay na pasok sa top ten blockbuster movies ngayong taon. Tipid akong ngumiti.
Ano kaya ang feeling kapag nailagay doon ang title ng movie na ginawa mo?
I wonder if I would also become a big hit personality in the field that I am going to take in the future. Maraming magagaling na mga Director sa buong mundo at kung iisipin ko 'yon ay parang napaka imposible.
Nawala doon ang paningin ko ng tumunog ang phone ko. Malapit na raw si Vile. Saglit akong nagtipa para sana magreply ngunit narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.
"Mathilda,"
Malaki ang ngiti niya ng tumayo siya sa harap ko. Napatitig siya sa portrait na gawa ko at grabe. . . pakiramdam ko ay nag heart shape ang mga mata niya.
"This is so amazing!" natutuwa niyang usal. Satisfaction were dancing in her eyes.
"Thanks," ngumiti ako. Nakakataba ng puso kapag may namamangha sa gawa mo. Pero sa totoo lang, nakakapanibago pa rin kahit ilang ulit ko na itong naririnig mula sa mga client ko. Hindi pa rin kasi ako sanay na may nag c-compliment sa gawa ko.
"Matteo look! This is impressive!"
Hinatak ni Vile si Stanley na ngayon ko lang napansin. Kung hindi pa ito tatawagin ni Vile ay hindi ko pa ito mapapansin. Tipid siyang ngumiti sa akin.
Pinagmasdan ko ang reaction niya habang nakatitig sa portrait. His pupils were dilating. A small smile was drawn on his lips as he surveyed the portrait.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24