Chapter 13

123 15 0
                                    

Hindi ko nabilang kung ilang minuto kaming ganun o kung umabot ba ng isang oras na nakayakap ako kay Ethan. Tahimik niyang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya. Nasa parking lot kami. My face was still buried in his chest while he was leaning his back against his car.

Nang maging okay na ako, lumuwag na ang pagkakayakap ko sa kaniya. Mahina akong natawa dahil nakakahiya. Baka sabihin niya iyakin ako. Hindi naman ako mahilig umiyak sa harap ng mga tao. Kahit nga kay Darcy ay hindi pa ako umiiyak sa harap niya.

"I'm sorry," sabi ko at mahinang natawa ulit habang pinagmamasdan ang basa niyang white t-shirt. "Basa na 'yong damit mo, sorry talaga."

Natigilan ako ng maramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Dahan dahan niya akong hinila papalapit sa kaniya. Inangat niya ang chin ko at doon ko napagtanto na seryoso pala ang mukha niya.

"Do you still want to work?" tanong niya. Akala ko tatanungin niya ako kung ano ang nangyari. At sa tingin ko ay mas okay na iyon dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko.

Kapag nakita ni Ian na umiyak ako baka pauwiin lang akon nun. Itetext ko nalang siya mamaya. Sa ngayon, gusto ko lang makasama muna si Ethan.

"Pwede bang sa condo mo?" mahina kong tanong dahil baka ayaw niya rin.

Tumango siya. Pinagbuksan niya rin ako ng sasakyan. Pagkatapos ay nagpaalam siya saglit na kukunin niya si Cooper sa studio. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa maramdaman kong tumatakbo na ang sasakyan.

We took the elevator from the parking area. Tahimik din kaming naglalakad sa hallway. Saglit pa akong natigilan ng makita si Darcy at Austin pero hindi nila kami napansin. Ang pamilya ni Austin ang may ari ng building na ito. Marami silang five star hotels at condo sa downtown. May share din ang pamilya nila sa Kobayashi Resort. Mayaman si Austin pero hindi halata dahil simpleng sando at sweatpants lang ang lagi nitong suot.

Tumigil na kami ni Ethan sa tapat ng pintuan ng condo niya. Pinanood kong i-swipe niya doon ang card niya bago buksan ang pinto. Pinauna niya akong pumasok sa loob. Kaagad na tumakbo si Cooper sa living room ng bitawan siya ni Ethan. Gusto kong matawa kasi ang feel at home niya rito.

"Do you have cravings today?" malambing niyang tanong.

Ngumiti ako at umiling. "May ice ka?"

"Are you sure you don't have any cravings today?" tanong niya ulit.

"Wala talaga. . . ice lang siguro."

Tumango siya at hinawakan ang pulsuhan ko. I flinched while biting my lips. Mabuti nalang at hindi napansin ni Ethan dahil nauuna siyang naglakad patungo sa kusina. Binitawan niya ako sa harap ng countertop at nagtungo siya sa ref.

Maingat kong tinanggal ang suot kong hoodie at tinupi ito. Itinali ko rin ang ang buhok ko saka ako sumandal sa countertop. Pinagmasdan ko ang balat ko na namumula. Ang hapdi pala.

Akala ko katamtaman lang ang init noong tubig na ibinuhos ni Mercy pero sobrang init pala talaga. Lumingon ako kay Ethan kasi antagal niyang kumuha ng ice. Pero natigilan ako ng makitang sobrang seryoso ng mukha niya. Alam mo 'yon, parang sa isang iglap lang, ibang tao ang nasa harap ko. Hindi ako sanay.

Mas tumulis ang panga niya at dumilim ang paningin niya. Napakahigpit din ng paghawak niya sa lalagyan ng ice. Ngumiti ako para pagaanin ang ambiance. Hindi talaga ako sanay.

"Pahiram ng ice bag."

Lumapit siya sa akin. Isinandal niya ang isang kamay sa gilid ng bewang ko habang ang isa ay naglandas sa balat ko. Sando top ang suot ko dahil mas hahapdi sa balat kapag makapal ang tela na susuotin ko. Tumigil ang daliri niya sa pulsuhan ko. Lumunok ako ng magtama ang paningin namin.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now