Doon muna ako nagpalipas ng gabi sa hospital. Kasama ko si Cooper kaya ayos lang. Hindi rin ako makatulog. Mas okay na siguro na bantayan ko rito si Tita Dorothy para naman maligaw ang isip ko. Suot ko 'yong headphones na regalo ni Ethan.
Miss na miss ko na siya. . .
Ilang araw palang simula ng pagmasdan ko siyang lumayo sa akin. Ang bigat sa dibdib kasi alam kong nasasaktan siya. Unti-unti kong napagtanto na may nararamdaman ako para sa kaniya. Pero ano nga ba ang kinakatakot ko?
Si Mercy. . .
Siya lang iyong kayang magbigay sa akin ng takot. Paano kung may gawin siya? Paano kung gusto niya talaga kaming paghiwalayin? Paano kung dumating ang araw na ayawan namin ang isat-isa?
Ang daming tanong sa isip ko. Bawat tanong ay may namumuong panibagong tanong. Si Ethan. . . mahal ko siya. Pero kaya ko nga ba siyang ipaglaban? Paano kung masaktan ko siya?
Ayaw kong mawala 'yong ngiti niya. Iyong ngiti niya na parang kasing liwanag ng sikat ng araw. Natatakot ako na baka ako ang maging rason kung bakit mawala 'yong lamlam ng mga mata niya.
"Hindi ka pa nagpapahinga?" nagtama ang paningin namin ni Austin. Tipid siyang ngumiti. Alas dos na ng madaling araw pero heto siya at dumadalaw kay Tita Dorothy. Araw-araw siyang hindi pumapalya sa pagdalaw kay tita.
"Ikaw? Bakit gising ka pa?" tanong niya.
Tipid lang akong ngumiti at tumitig kay Tita Dorothy. Ayaw kong dagdagan 'yong mga problema nila. Binigyan niya ako ng juice at nagpasalamat ako sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko at saglit na ipinikit ang mga mata.
Paano kaya nila nakakaya ang ganun? Iyong alam mong upos na upos na sila pero narito pa rin sila. Nagbabantay, nag aabang, nagtatanong kung kamusta ang isa sa kanila. Ako lang 'yong nahihirapan sa kanilang dalawa. Kung papaanong nagagawa ni Austin na dumalaw dito pero ni minsan ay hindi siya nakita ni Darcy.
"May pasok ka pa bukas." bulong ni Austin sa tabi ko.
Mahina akong natawa. "Ikaw din."
May pasok pa siya bukas. Pero ang dami niyang oras para isingit ang lahat. Ang dami niyang oras para dalawin si Akhios. Para bisitahin si Tita Dorothy kahit madaling araw na. At kahit paminsan minsan ay pagmasdan sa malayo si Darcy.
"Mahal ka nun. . ."
Napangiti ako at lumunok. Mahal ko rin naman siya pero mas lamang iyong pagmamahal niya sa akin. Mahal ko nga siya. . . pero natatakot ako. Mahal ko siya. . . pero umaatras ako. Mahal ko siya. . . pero hindi sapat.
"Mahal ka rin nun eh." balik kong bulong. Naisuklay niya ang buhok at ako naman ay ininom ko ang juice ko.
Nakikinig pa rin naman ako sa mga instructors ko pero minsan nasa kay Ethan pa rin 'yong isip ko. Gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siyang lapitan at bawiin lahat ng sinabi ko. Gusto kong mag sorry kasi takot na takot ako. Pero paano kapag bumalik ako tapos biglang umayaw nanaman ako?
Ang unfair ko talaga. . .
Matapos ang isang linggo ay dumalaw ako sa condo niya. Walang pinagbago. Tahimik, malinis, at nandoon pa rin 'yong pabango niya. Pumasok ako sa kwarto niya. Napadapo 'yong tingin ko sa study table niya. Ang dami niyang libro. Kahit alam kong hindi siya nag aaral ay ang daming nakabuklat na libro sa mesa niya.
Umupo ako doon at pinagmasdan 'yong flower vase niya. Ang daming sunflower. Mapait akong ngumiti habang piniplay 'yong ferris wheel. Namimiss niya ako. Kasi ako raw 'yong sunflower niya. Tandang tanda ko pa 'yong bawat salitang sinabi niya. Na lahat na mayroon ako ay nagbibigay sa kaniya ng liwanag. Kahit panget o maganda basta parte sa pagkatao ko.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24