Chapter 15

222 14 0
                                    

Have you ever been torn about something?

Ilang linggo ko ng hindi nakikita si Mercy. I was considering that if ever she come home to her house, I might as well welcome her with surprises. A surprise that a reckless daughter would do. But for a moment, I just wanted to show her how genuine I am with the surprise I have forethought.

I have known Mercy as a person who was persistent in drifting away from me. She's the person I know who was most knowledgeable and expert in making our connection rapture. Irony how it injures my chest, but I am also accountable for perpetuating to cause more rapture in our lives.

But here I am, wanting to do my intrusive thoughts. On the other hand, bahala na talaga.

"Bakit bigla ka nalang bibili ng mga kurtina?"

Ngumiti ako kay Darcy. "Bored lang ako."

Sabay kaming nagtitingin sa mga display ng kurtina. Nakapila ito mula sa makapal hanggang sa manipis. At mula sa dark color hanggang sa light colors.

"Ano bang meron?" tanong niya ulit. Kilala niya kasi ako. Hindi pwedeng bored lang ang sagot ko.

"Mercy's birthday." hinawakan ko ang silk na kurtina. Kulay yellow ito. May kaunting designs at malamlam sa mata.

Inilagay niya ang dalawang kamay sa bewang niya. "Hala. . . anong gagawin mo?"

I shrugged. "Surprise lang."

"Gagi ka," sinapak niya ang braso ko. Mahina akong natawa ng sumeryoso ang mukha niya.

"Relax, papalitan ko lang naman ang kurtina tapos maglalagay ng cake sa paborito niyang mesa. At baka last birthday celebration niya na ito kasama ako." I explained.

Kumuha ako ng anim na kurtina sa estante. Okay naman ang design. Basta ang alam ko hindi iyon magugustuhan ni Mercy dahil sa sobrang liwanag ng kulay.

Ang ayaw niya sa lahat ay iyong pinapakialaman iyong mga gamit niya. Kahit kurtina pa iyon. . . pagmamay-ari niya pa rin ang bahay. Sabi nila ay start with baby steps pero parang wala naman epekto ang pinagagawa ko sa kaniya. Ang tagal niya pang umuwi.

"Kamusta ka, Darcy?" tanong ko sa kaniya para maiba ang usapan. Medyo hindi kami nagkikita dahil busy siya sa trabaho tapos ako rin.

Nag ikot-ikot pa kami. Naghahanap ako ng magandang vase para doon ilagay ang tulip flowers. Paborito niya iyon. Hindi naman ako ganun kasamang anak para hindi malaman ang mga gusto niya sa buhay.

"Eto, humihinga pa naman. Kaloka! Accounting yata ang papatay sa akin hindi 'yong pagbabanat ko ng boto." natatawa niyang sinabi.

"Kayo ni Austin?" tanong ko pa.

Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi, ano lang kami. . ."

"Fubu?" mahina kong tanong.

Ganun iyong nangyari sa ex niya. As much as I wanted her to be happy. I also wanted her to be treated right in a relationship. Hindi maganda iyong nangyari sa ex niya. Sarap ngang bangasan nun. At kung mangyari ulit 'yon edi shot puno nalang kaming dalawa. As if naman mapipigilan ko siya.

"Ikaw, sure ka na talaga sa exchange student application mo?" pag-iiba niya sa usapan.

"Oo." nilagay ko ang kurtina sa counter at ang dalawang flower vase. "That's my dream."

"Sabagay," tumango siya. "Paano si Ethan?"

Natigilan ako at napatitig sa kaniya.

Oo nga pala, si Ethan. . .

I was thinking that our relationship was just for a short period. We will stay friends after that. At saka hindi ko pa pala nasabi kay Darcy na agreement lang 'yong relasyon namin. Nagkibit balikat nalang ako at binayaran lahat ng binili ko.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now