"Ayaw pa rin lumabas?" tanong ko kay Austin.
Mahina siyang umiling. Napaupo siya sa hagdan at inilagay sa tabi niya ang nga dalang pagkain. Ilang araw na siyang nagpabalik-balik dito sa boarding house ni Darcy.
Lumingon ako kay Ethan. Tumango siya at tipid na ngumiti. Hinalikan niya ang noo ko bago umupo sa tabi ni Austin. Pagkatapos ay nagtungo ako sa kwarto ni Darcy at kumatok. Pero katulad ng mga naunang beses ay hindi niya pa rin binubuksan ang pinto.
Magpapasko na pero heto at ang lungkot nilang dalawa.
"Darcy. . . si Mathilda 'to." kumatok ako ulit pero wala talagang sumasagot. Napabuntong hininga ako at napasandal sa pintuan. "Handa akong makinig sayo. Kapag kailangan mo ng makakausap andito lang naman ako, Darcy."
Pero wala pa rin sumasagot. "Si Austin. . . dinalaw ka niya. Pansinin mo naman kami oh. Nag-aalala na kami sayo. . . paano kung gumising na si Akhios?"
Napatitig lang ako sa pinto ng marinig ang hikbi niya. Nahihirapan na siya. Sobrang hirap naman talaga sa sitwasyon niya. Ang kailangan niya ngayon ay 'yong mga taong iintindihin 'yong nararamdaman niya. Kaunting tiyaga lang dahil alam kong lalabas din siya kapag maayos na ang pakiramdam niya.
Isang oras akong naghintay doon. Nag angat lang ako ng tingin ng tumabi sa akin si Ethan. Hinalikan niya ang kamay ko at sumandal lang kami sa pintuan ng kwarto ni Darcy hanggang sa matapos siya sa pag iyak.
Masigla at sobrang maliwanag na sa downtown habang naglalakad kami ni Ethan pabalik sa condo niya. Ang hirap maging masaya ngayong pasko lalo na at ganun ang lagay ni Darcy. Ang bigat sa dibdib lalo na at nakikita kong kinukulong niya ang sarili niya.
Naniniwala ako na magiging okay din siya. Kailangan niya lang ng oras. Mahal na mahal niya si Akhios. Alam kong lalaban siya para kay Akhios. Araw-araw kaming nagtitirik ng kandila at nagdadasal sa paggaling nilang lahat.
"May plano ka ba ngayong pasko?" tanong ko kay Ethan ng mapansing nakatitig lang siya sa akin.
"During Christmas, my parents are not at home," he said softly.
Isinandal ko ang ulo sa balikat niya. "Bakit naman?"
"Work. . . however, we spend the New Year at home.
Tumango ako. Akala ko pati sa new year mag isa siya. Atleast kapiling niya 'yong pamilya niya. Masaya na ako na kahit papaano ay may oras siyang kasama iyong family niya.
"Ikaw? What's your plan this Christmas?"
Hindi ko pa alam. Wala naman akong kasama sa bahay tuwing pasko. Baka kay Tito Gilbert uuwi si Mercy. Pero sa bahay lang siguro muna ako. Nagbabakasakali kasi akong umuwi siya. Kahit ngayon lang. Magbabakasakali ako ulit.
Nagkibit balikat ako. "Sa bahay lang siguro. Ikaw?"
Sinuklay-suklay niya ang buhok ko. "I think. . . I'll be going with Pong."
"Saan kayo?"
"Perhaps to a resort? A place where we can spend the night on the sand. That's his preference." ngumiti ako. Kahit hindi nila sabihin alam kong mahal nila ang isat-isa.
"Okay. . ." sabi ko at tumitig sa kaniya. Pansin kong kanina pa siya tensed. Kapag ngingiti siya ay parang ang weird pagmasdan.
"Are you okay?" nag-aalala kong tanong.
"My grades will be released today." kinakabahan niyang sinabi. Umawang ang labi ko. "If I ace it, I can finally go home and introduce you to my parents. But, of course, if that is okay with you."
Ngumiti ako at tumango. "Oo naman."
Napangiti siya at tinusok ko 'yong dimples niya. Ang babaw talaga ng kaligayan ni Ethan. Simple lang naman ang hinihingi niya kaya bakit ko pa 'yon ipagkakait sa kaniya?
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24