Chapter 4

358 25 10
                                    

"Stanley?" I called.

I heard his yawn on the other line. Nasagot niya naman 'yong tawag pero alam kong inaantok pa rin siya. Tahimik kong hinintay na magsalita siya. Alas sais palang kasi ng umaga. At ala una na rin akong natulog kagabi.

"Belle. . . Good morning?" his voice was still sleepy.

Ilang segundo akong hindi nakaimik. Bumaba ang tingin ko kay Cooper na umiiyak. Alam kong nakakahiya itong ginagawa ko dahil alas sais palang talaga ng umaga at midnight na siya nakauwi.

"Belle?" he softly muttered on the other line.

"Stanley, si Cooper." mahina kong sinabi. Bumuntong hininga ako bago nagpatuloy. "Kailangan ko siyang dalhin sa vet. Sorry kung naabala ko ang pagtulog mo pero pwede mo ba akong----."

"Sure." putol niya sa sinabi ko. May halo pa iyon ng pagkataranta.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kabiling linya dahil biglang na mute ang tawag. Tinitigan ko ang screen at naka on-call pa naman.

Pinagmasdan ko ang bahay nila. Nakita ko si Stanley na nagmamadaling lumabas ng gate. Katulad ko ay may suot itong partner PJ's. Sa sobrang bilis niya ay naiparada niya kaagad ang sasakyan sa waiting shed kung saan ko siya hinintay.

"What happened?" he asked full of concern.

Tumingin ako sa bintana. "Nabitawan ko si Cooper habang pababa kami ng hagdan."

Pagkarating namin sa vet ay chineck agad si Cooper. Tulala kong pinagmamasdan ang ginagawa ng doctor. Hindi ko na masundan ang sinasabi nito kaya si
Stanley ang nakikinig sa kaniya.

"The doctor said Cooper had a mild fracture. Bawal muna siyang maglikot para mabilis ang pag galing ng paa niya." tumabi siya sa akin. Seryoso ang mukha niya. Hindi ko rin siya masisisi dahil masiyado pang maaga.

"Ang hyper pa naman ni Cooper." sabi ko. "Pasensya ulit sa abala, Stanley."

"It was fine," he immediately shook his head.

I didn't know what to do if he didn't answer the call. Siya lang naman ang una kong naisip dahil siya ang pinakamalapit sa bahay. Kung hindi siya sumagot ay baka natagalan pa kami ni Cooper sa pagpunta sa vet.

Isang oras kaming naghintay bago bumalik ang doctor kasama si Cooper. Natutulog na ito ng mahimbing. Siguro ay napagod kanina.

"Be careful next time." ngumiti ang doctor bago ibigay si Cooper sa akin. Ilang beses pa akong nagpasalamat sa doctor bago kami umalis ni Stanley doon.

"Are you okay?" tanong niya ng makapasok kami sa loob ng sasakyan niya.

Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman. Bakit?"

Umiling siya. "Nothing."

Hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Nakokonsensya ako dahil hindi pa nga tumatagal sa puder ko si Cooper ay may bali na siya sa paa.

"It was just an accident, Belle," he said as if I needed to hear those words.

"Alam ko naman," pagpapagaan ko sa mood. "Medyo lutang pa ako. . . kulang lang sa tulog."

"Do you have plans this week?"

"Wala naman masiyado? Bakit?"

Ngumiti siya at pimagmasdan ko ang dimples niya. "Did you write a bucket list? Just an outline for the summer."

Natigilan ako. Oo nga pala. Tutulungan niya akong maging masaya ang summer ko ngayon dahil iyon ang gusto ko. Ito raw ang magiging bayad niya sa pagsira ng camera ko.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now