The sensation of a warm cloth dampening my skin caused me to gradually open my eyes. And his dominating scent makes me want to stay awake. I adjusted my vision, and when I spotted his green eyes, a small smile was drawn to my lips.
It was Rowan.
But the latter was frowning. Inilibot ko ang paningin at narito pa rin ako sa kwarto ni Ethan. Then I had to look back at Rowan, hoping it wasn't a dream.
"Husbelle, what have you been up to?" and his voice confirmed that he was indeed here.
Umupo ako at niyakap siya kaagad. And just in a heartbeat, I felt the storms in my head subside. He stroked my hair gently. Ipinikit ko ang mga mata ko habang ang ulo ko ay nakasandal sa dibdib niya.
Rowan has become my source of calmness. And I had no idea how it happened. Kahit hindi naman siya iyong tipo na tao na gentle pagmasdan dahil sa harsh features niya. . . kumakalma pa rin ako.
"Paano ka napunta rito?" mahinang tanong ko.
Bumuntong hininga siya. "I tracked you down. Are you okay? I'm going to drop you off at your condo."
"I am okay now. . ." for now, dahil nariyan pa siya. Pero kapag nawala siya bumabalik lang 'yung dilim.
Mas ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. Gusto kong sabihin na samahan niya ako sa condo at doon nalang matulog pero. . . hindi ko naman siya pag-aari.
"Rowan, natatakot ako." tanging bulong ko. Para akong bata na nagsumbong sa dibdib niya. "Bumabalik siya Rowan. . ."
Bumuntong hininga siya ulit. Alam niya kasi kung ano ang tinutukoy ko. Dahil naroon siya ng mga panahon na hindi ko macontrol ang sarili ko. Kaya siguro siya rin ang dahilan kung bakit kumakalma ako. Kasi siya naman 'yung nag tyaga na tulungan ako para mapakalma ko ang sarili ko.
"Let's talk in your condo." dumampi ang labi niya sa noo ko bago niya ako alalayan tumayo.
Sabay kaming lumabas sa kwarto. Dala niya ang basin sa isang kamay habang ang kaliwa ay nakahawak sa bewang ko. Ngunit tumigil kami sa harap ni Ethan na nakaupo sa sofa. Hindi manlang dumapo ang mga mata niya sa akin. Nakatitig lang ito kay Rowan.
"We will go now, Mr. Miranda." seryosong sabi ni Rowan.
"Okay." tipid na sagot ni Ethan.
"I apologize for the inconvenience." pormal na pahayag ni Rowan.
Hinawakan ko ang siko ni Rowan kaya lumingon siya sa akin. Sign na iyon na ayaw ko ng manatili ng matagal dito. Parang hindi ko na kakayanin na tumagal ako rito sa bahay ni Ethan. Lalo na at nararamdaman ko ang presensya niya.
Dati naman ayos lang. Nakaya ko naman na harapin siya. Ni hindi ko nga maramdaman ang takot. Pero pagkatapos ng nangyari kagabi. Sa tingin ko ay mas lalo lang akong lalala.
"Okay." tipid niyang sagot ulit.
Diretso lang ang paningin ko sa labas nang magpatuloy kami ni Rowan. Ni hindi ko na nilingon si Cooper na mahimbing na natutulog malapit sa sofa.
Nang tuluyan na kaming makalabas sa bahay ay para akong nabunutan ng tinik. Hindi ko na mahanap ang panghihina ng tuhod ko. Naibsan din ang pangamba na nararamdaman ko simula pa kagabi.
Sinuyod ko ng tingin ang kabuoan ng farm. Maraming nagkalat na dahon pero wala naman nasirang mga tanim. Wala ng paghampas ng hangin o malakas na ulan. Ngunit alam kong baha pa rin sa ibang lugar ngayon.
Nagpunta kami sa ibang direction at umawang ang labi ko ng mapansin ang helicopter na nasa sulok ng plantation. Ang alam ko ay minsan lang ito ginagamit ni Rowan.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24