Chapter 36

230 2 0
                                    

Tapos na ang finals. Wala na rin akong dahilan para bumalik sa Bently. Nairelease na kung sino ang pasok sa exchange student program. At number one 'yong pangalan ko sa list. Sobrang early nilang mag release ngayon. . . pakiramdam ko pinapaalis na ako agad sa Pilipinas.

Bumuntong hininga ako at tinitigan ang mga requirements na ipapasa ko dapat ngayong araw. Pero napunta 'yong tingin ko sa pinto ng pumasok si Jessica sa unit ni Jet.

Tipid siyang ngumiti sa akin. Tumango naman ako. Hindi ko alam kung ano ang gingawa niya rito dahil matagal ng hindi natutulog dito si Jet. Siya na kasi itong nag adjust para sa akin at umuuwi na ito sa bahay nila.

"Wala si Jet dito. . ."

"I know." umupo siya sa tapat na sofa. "Mathilda," panimula niya. Hinintay ko ang sasabihin niya habang nakatitig lang sa mga mata niya. "Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?"

Hindi ako nagsalita. Sanay na akong hindi nagsasalita sa mga nagdaang araw. Mas maayos na 'yong ganito. Atleast, walang masiyadong drama.

"You gave him hope, didn't you know that?" tanong niya ulit. "He was still hoping, Mathilda."

"Anong gusto mong gawin ko?"

Mapait siyang ngumiti. "Are you serious?"

"Magkaibigan lang kami ni Jet. At alam niya 'yon."

"Alam mo ba kung gaano mo siya pinahirapan?" naiirita niyang tanong. She's back to her attitude again. "Despite his desire to be with you, he decided not to!"

"Okay. . ." simpleng sagot ko.

"You are fucking unpredictable."

"Life's unpredictable." I quoted my fingers in the air. Nagtungo ako sa ref at kumuha ng beer. "Gusto mo?"

"You are so fucking annoying."

"Thanks." binuksan ko ang beer at ininom ito.

"Why do you have to sleep here kung wala ka namang balak na mahalin si Jet?"

"Kasi kaibigan ko siya? And I need him?" honest kong sagot. I told Jet about that already. Wala naman siyang sinabi. Pero alam kong mali din ako. Unfortunately, I had no other better choice than this.

Kasi ano ba ang gagawin ko? Sasabihin ko ba sa kaniya na Uy! Magkapatid pala tayo! After everything we've done?

Tumayo siya at pinagmasdan ako na para akong walang kwentang tao. Bumuntong hininga ako. "Look Jessica, si Jetry? Mamahalin ka nun. Never give up on him."

Nagulat siya sa sinabi ko. Sabay din kaming napalingon sa pintuan ng makarinig ng doorbell. Lumapit ako sa pintuan at sumilip sa peephole. Napahigpit ang hawak ko sa dala kong beer at lumapit kay Jessica.

"Who's that?" tanong niya.

"Sabunutan mo ako." utos ko.

"Are you serious?!"

"Ang oa." bulong ko at dahil nainis siya ay sinabunutan niya ako. Napangiwi ako ng napasobra ang ginawa niya. "Thanks. . ." sabi ko at tinanggal ang shorts at bra ko.

"What the fuck!" reklamo niya.

Ibinigay ko ito sa kaniya at itinuro ang kwarto. "Pasok ka muna doon."

"Inuutusan mo ba ako?" tinitigan ko lang siya pero sa huli ay kumilos siya.

Kinurot ko ang leeg ko para mamula 'yon. Pagkatapos ay lumapit ako sa pintuan at binuksan ito. Medyo maluwag ang pagkaawang ng pinto para makita niya ang kabuuan ko. Sinuyod niya ang katawan ko bago niya ako tinitigan sa mata.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now