Chapter 20

131 11 0
                                    

"Can I ask a question?"

Tumango ako para magpatuloy siya.

"Do you like tulip?" he asked in a serious tone. Para bang napakalaki ng problema niya at kailangan kong sagutin agad iyon.

"Bakit mo naitanong?"

Saglit ko siyang nilingon na seryosong pinagmamasdan ang ginagawa ko. Ako ang nag volunteer na ayusin ang mga props sa studio dahil tapos na ang invidual project ni Jet. Last shoot ko na 'to ngayong month dahil sa susunod na linggo busy na kami.

"You don't look happy with tulip flowers." he slowly said, as if I would be offended if he voiced them out loud.

"Kasi mahal." rason ko.

"I'm sure, that's not it." sigurado niyang sinabi.

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at tinulungan ako. Inayos ko ang mga tela na gagamitin ko sa background. Naramdaman ko ang titig niya kaya tinitigan ko siya pabalik.

"Kanino mo ba nalaman na paborito ko 'yun?"

Kinagat niya ang labi. "Wanted profile." kumunot ang noo ko. Lumunok siya at pinanood ko iyong dimples niya. Ang sarap talagang tusukin. "Grade ten, first grading, English project."

Umawang ang labi ko ng maalala ko iyong written project namin. "Tiningnan mo 'yon?"

Nag iwas siya ng tingin at ngumuso. Parang bata. Ang sarap ipasok sa t-shirt ko. "It was not intentional, I swear. Austin showed it to me."

Nilagay ko nga iyon sa hulihan dahil dinidisplay ni Ma'am iyong mga projects namin sa classroom niya. "Bakit naman gagalawin ni Austin?"

Pinakunot niya iyong noo niya. Namumula na iyong tenga niya. He poked his tongue against his cheek before looking at me. "He knows that I have a crush on you."

Natawa ako. "Back to our conversation," pagpapaalala niya.

Kinagat ko ang labi. "Okay. . . wala talaga akong paborito na bulaklak. Yong tulip flower, paborito 'yon ni Mercy."

His eyes softened. "Sorry. . . I asked."

Umiling ako. "Ayos lang naman."

"Lahat ba ng sinulat mo doon hindi mo gusto?" seryoso niyang tanong.

"Hindi naman." pero karamihan doon ay mga gusto ni Mercy. "Honestly, I don't have favorites. Iyong favorite color, music, or flowers. Pero sa food, I love seafood."

Natahimik siya ng ilang minuto hanggang sa magtanong siya ulit. "What about adobo?"

Natawa ako. "Kaya ba nagluto ka ng adobo kasi adobo ang nilagay ko doon."

Mahina siyang natawa. "Yeah."

Warmth envelope my chest. I never really thought that one day, there will be a guy who would willingly know my interest in food or anything that I am fond of. Alam kong sa realidad ng buhay, mahirap makatagpo ng taong mamahalin. Pero hindi ko rin naman naisip na may lalaking katulad ni Ethan.

He already knows my flaws. Sa confession niya palang, mostly doon ay mga conflict sa pagkatao ko but he still chose to like me. He chose to stay. He chose to make me happy. He chose to validate my feelings without exerting too much effort.

"Ethan," ngumiti ako at tumitig sa mga mata miya.

Those sparkle eyes. They have become my favorite scene everyday. Lahat ng nasa kaniya gusto ko, but those eyes always reflect how my soul looked beautiful. It's the way he looked at me. I love them.

"Thank you for making me happy."

Umabot hanggang tenga iyong ngiti niya. Kinilig nanaman ito. Lumapit siya at hinalikan ang noo ko. "I love you more my sweetest girlfriend." malambing na may halong pang aasar niyang sinabi.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now