Chapter 14

130 14 0
                                    

"Happy birthday Cooper!" pagkanta ni Ethan na may kasamang pag clap ng mga kamay.

Hinawakan niya ang maliit na cake para iharap ito kay Cooper. Nasa trunk kami ng sasakyan niya. Bumili rin siya ng balloons at cute na banner na may nakalagy na 'Happy Birthday'.

Bumili ako ng pet cookies at dried meat cake para sa kaniya. Para fair. Kasi nakakaawa naman kong kumakain kami ni Ethan tapos siya nakatingin lang sa amin. Bento size cake lang ang binili ko dahil ayaw kong masayang kung malaking cake ang bibilhin namin. Gusto pa ni Ethan na bilhan ng malaking cake si Cooper dahil deserve niya raw iyon pero sabi ko na ayos na ang bento cake dahil kami lang din naman iyong kakain.

Cooper wiggled her tail when Ethan continued singing a 'Happy Birthday' song. I was holding my camera trying to capture some snapshots. Ilang saglit pa ay sabay silang lumingon sa camera. Ang cute nilang dalawa.

"Tayong tatlo, Belle." ngumuso si Ethan. Oo. . . I noticed that he was showing his true colors. Akala ko matured na ang kasama ko pero may pagka kulit din pala ang isang ito.

"Paano? Wala akong kilala dito." sabi ko at tumingin tingin sa paligid. Nasa coastal road kami ngayon.

Ngumiti siya at itinuro ang daliri sa kung saan. Natigilan ako ng makita si Savannah. Iyong kilalang war freak sa school dati. Hindi ko naman talaga alam kung war freak siya pero nakakatakot iyong mukha niya kasi natural na iyong taray doon. Naka all white uniform ito ngayon tapos ang puti-puti niya pa. Nursing student ng Bently.

"Savannah!" Ethan called.

The woman instantly shifted her gaze at us. Her thick brows arched and I looked away. Hindi na ako mahilig makipag away. Siguro noong grade school ako. Pero seryoso, people change.

"Ano?!" gusto kong matawa ng may ibang nagulat sa lakas ng boses niya. Parang natural na pasigaw lagi iyong boses niya.

"Ikalma mo." Ethan chuckled. "Favor?"

"Ano?" mahina ng tanong ng babae at lumapit na sa amin.

Ibinigay ko ang camera ko kay Ethan at ibinigay niya ito sa babae. Tinanggap naman ito ni Savannah at clueless na tumitig sa kaniya.

"We are celebrating the most important occasion of our first born child." pagmamayabang ni Ethan. Muntik na akong matawa. Pinanood ko ang mukha ng babae na mas lalong naiiritang tumitig sa kaniya. Halata naman kay Ethan na inaasar niya 'yong babae. "Where's your crush? Ang lungkot mo naman."

"Ingay talaga ng bibig mo, Miranda." umikot ang mga mata niya at inilapit niya ang camera sa mukha niya.

Savannah was smiling as she clicked the camera. Grabe, ang bilis mag shift ng mood. Nag signal pa siya kung ano ang gagawin namin. Hanggang sa sabihin ko na okay na 'yon kasi ang dami na naming larawan. At baka naaabala namin siya. Nakakahiya.

Ibinigay ni Savannah sa akin ang camera ko. Ngumisi siya at itinuro si Ethan. "Boyfriend mo 'to? As in? Natiis mo ang kaingayan niyan?"

Natawa ako. "Actually, hindi naman siya masiyadong maingay."

"Wow? Talaga? Maingay kaya 'yong bibig niyan." sabi niya na parang pinagchichismisan namin si Ethan.

Iyon rin ang ipinagtataka ko eh. Alam kong maingay 'yong bibig niya sa mga kaibigan niya pero pag ako ang kasama niya parang laging seryoso ang usapan. Parang fifty fifty. May kaunting joke pero mostly may sense ang usapan namin.

"Hey, your crush is here," pagpupukaw sa kaniya ni Ethan. Sabay naming nilingon ni Savannah si. . . Elijah. Nanlaki ang mga mata niya. Naging aligaga siya habang si Ethan ay natatawang pinagmasdan siya.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now