When I think of Baguio, I imagine going for a nice walk at night. Breathe in the foggy weather. Hug my sweater and smiled brightly while walking on the pavement.
But today. . .
I did not come here for an unforgettable vacation.
Nandito ako dahil gusto kong malaman ang katotohanan.
Maganda sa Baguio. Kung ano 'yong mga nakikita mo sa mga larawan online mas doble ang ganda nito sa personal. 'Yong pine trees. Iyong mga porma ng bahay. Ang weather. Ang mga tao.
But every time I stare at the small piece of paper that I am holding. Parang gusto ko na agad hanapin kung saang lupalop ng lugar itong mga address na ito. Simula ng mag touch down 'yong eroplano ay agad akong pumunta sa hotel na tinotuluyan ko para iwan ang gamit ko doon.
Pagkatapos ay lumabas ako at nagtanong-tanong kung saan ko pupuntahan 'yong address na nakasulat sa papel. Noong una, akala ko ay hindi ako mahihirapan. Pero nagkamali ako dahil hindi lang naman nag iisa ang address na nakasulat dito at sobrang lawak pa ng Baguio.
May kapareho palang address ang bawat bayan. So ang ending, kailangan kong pumunta sa bawat lugar para masigurado ko kung tama ba 'yong hinahanap ko. Ang malaking problema ko lang ay hindi rin ako sigurado kung ano 'yong hinahanap ko. May naiisip ako pero hindi ako sigurado.
"Good afternoon po. . ." magalang kong bati sa Ginang.
Ngumiti ito sa akin at nilapitan ako. "Ano iyon, hija?"
"Magtatanong lang po sana ako kung ito 'yong street na nakasulat dito?" sabi ko at ipinakita sa kaniya ang papel.
Saglit siyang natigilan. Kumunot ang noo niya at inayos ang salamin.
"Naku, hija," lumiit ang ngiti ko. Dalawang bayan na ang napuntahan ko. Ilang oras na rin akong naglalakad. Pakiramdam ko mali nanaman 'yong napuntahan ko. "Sa kabilang bayan ito."
Tumango ako at ngumiti ulit. "Salamat po."
"Bago ka ba rito?" tanong niya.
"Ah opo. . . may hinahanap kasi ako."
Tipid siyang ngumiti. "Sana mahanap mo ang hinahanap mo, hija."
"Salamat po. . ."
Sinabi niya rin sa akin kung ano ang dapat kong sakyan papunta sa kabilang bayan. Binigyan niya rin ako ng tips sa mga daan para hindi ako mapagod kakalakad dahil marami raw 'yong shortcuts sa bawat lugar. Nagpasalamat ako sa kabaitan niya at saka ako tumulak sa kabilang bayan.
Hinanap ko 'yong unang street na nasa listahan ko. Ang dami ko ng napagtanungan at paulit-ulit na sagot lang 'yong naririnig ko. Na nasa kabilang bayan pa raw.
Naisuklay ko ang buhok ko at umupo sa semento sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung nagsisisi ba ako na pumunta ako rito. Ni hindi ko manlang inalam kung ano ang specific at complete address nitong mga nakasulat.
Bumuntong hininga ako saka nagtungo sa pinakadulong bahay. Ngunit ng magtanong ako sa kanila at ipinakita ang larawan ng babae ay hindi niya raw ito kilala. Alas singko ng hapon ng sumuko ako at bumalik sa hotel.
Mabuti nalang at sa tapat ng hotel ay may karenderia. Hindi ko alam kung lalampas ako ng isang linggo rito. Pero ang sabi ko kay Jet, isang linggo lang ako. Nagpatulong kasi ako sa kaniya na gumawa ng fake medical certificate para makapag absent ako. Medyo himala nga na hindi na siya nagtanong kung ano itong ginagawa ko.
Pagkatapos kong kumain ay nagtungo ako sa seven eleven. Kumuha ako ng soju dahil sobrang lamig pala dito kapag gabi. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako dahil hindi pa nakapag adjust 'yong katawan ko sa sobrang lamig.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24