I was watching the waves from my house's balcony. I figured if I returned to Bali, I'd be able to forget everything that happened after that night. His stare was intense. The way his hot breath hitched against my cheeks. His voice sounded as if it were crawling up my skin.
I expected Bali to help me forget those details. . .
But it was more than a week.
Isang linggo na ang nakakalipas pero kahit isang segundo ay hindi nabawasan ang nakadagan sa dibdib ko. It's just gotten worse.
Tumayo ako at naglakad patungo sa higaan ko pero napatigil ako ng mag crack ang basag na bote sa paa ko. I stared at my blood-soaked feet. Kumuyom ang kamay ko at nagpatuloy ako sa paglalakad.
Naisipan kong bumaba para linisin ang sugat ko. Binuksan ko ang pinto at ang mukha ni Rowan ang bumungad sa akin. Lumagpas ang mga mata niya sa likod ko. I watched his jaw clench before he locked his gaze on mine.
"Kailan ka pa dumating?" tanong ko.
Napatitig siya sa mga paa ko. Pagkatapos ay bumalik ulit ang titig niya sa mga mata ko. Blanko ang mukha niya habang pinagmamasdan ang mukha ko. Parang may gustong ipahiwatig ang mga mata niya pero nahihirapan akong maunawaan ito.
"I will just get the first aid kit." seryoso niyang sinabi bago ako iwan sa kinatatayuan ko.
I sighed and sat down on my couch. Nilaro ko ang daliri habang pinagmamasdan ang palad ko. Kumuyom ulit ang kamay ko ng lumuhod si Rowan at inangat ang paa ko. Ipinatong niya ito sa legs niya at nilinis.
Nakatitig lang ako sa mukha niya. Napaka seryoso nito. Tahimik lang siya sa ginagawa at hindi ko matagalan 'yung katahimikan niya. Dati naman kasi nakukuha niya pa akong biruin kahit may ganito.
"Sorry kung iniwan kita." naiintindihan ko naman siya. Dahil katulad nung nangyari sa Japan ay kaagad akong nag book ng flight para makabalik agad sa Bali.
"I get it." tipid niyang sagot.
Ilang minuto niyang ginamot ang mga paa ko hanggang sa mapunta ang mga mata niya sa kamay ko.
"Give me your hand." utos niya habang nakatitig sa kamay ko.
Umiling ako. "Ayos lang ako."
"I said give me your hand." madiin at nagpipigil na utos niya.
Mukhang handa nanaman siyang sermonan ako pero pinipigilan niya. Umupo siya sa tabi ko at at kinuha ang kamay ko. Nag iwas ako ng tingin ng nilingon niya ulit ako.
"Could I really leave you?" mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko habang nilalagyan niya ito ng cream.
"Rowan, can we just skip that part. . ." napapagod na sabi ko sa kaniya. Kararating niya lang pero mukhang papagalitan niya nanaman ako.
"You are behaving like this again after the art exhibit. Tell me, Mathilda, does he still have that effect on you?" diretsong tanong niya.
Nilingon ko siya. Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko. Iyong tingin niya ay naghihintay ng sagot ko. Umawang ang labi ko para tumanggi pero parang may sumasakal sa leeg ko. Umiling ako.
"No." sagot ko pero pakiramdam ko ako lang ang nakarinig nito dahil sa sobrang hina ng boses ko.
Tipid siyang ngumiti. "You tell the worst lies ever."
Tumayo ako pero mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Yumuko siya sa akin at pinagmasdan ang mukha ko.
"Mathilda, why are you torturing yourself like this?" mahina niyang tanong.
Umiling ako. "Rowan, huwag ngayon."
"What do you want me to do then?" tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24