Kahit yata ilang kasinungalin ang iduldol ko sa utak ko ay hindi ko ma-convince ang sarili ko na wala lang ang lahat ng ito sa akin. O baka wala lang naman talaga pero nagkakaganito ako dahil nagkita nanaman kami. At sa place pa talaga kami ng girlfriend niya mag s-shoot.
May kumatok sa pintuan ko kaya bumangon ako. Iisipin ko sanang si Rowan pero dahil alam kong hindi siya magpapakita ay awtomatikong iyong body guard niya nanaman ito. Mabilis kong kinuha ang pagkain sa kaniya at isinara ang pinto. Inilagay ko ang pagkain sa mesa at bumalik sa higaan ko.
Napansin nanaman niya siguro na hindi ako umo-order ng pagkain kaya pinadalhan niya ako. Alam ko naman na luto niya iyon pero mas gusto kong siya iyong pumunta rito. Sa huli ay kinain ko nalang 'yong pagkain dahil ayaw kong masayang ang effort niya.
Makikita ko rin naman siya kapag kukuhanan niya na ng larawan iyong mga artist for posters. At siya rin ang mag e-endorse nito para maging hype ito sa media.
Bumuntong hininga ako at pinasadahan ang kabuoan ng unit ko. Alam kong pumupunta siya rito kapag wala ako. Nakakanis kasi pwede naman siya magpakita pero ayaw niya talagang makita ko siya.
Dahil mahaba pa iyong week ay sinadya ko munang mag ikot sa Saraman. Dumaan ako sa coastal road dahil gusto kong tumambay doon. Siguro kapag dinala ko si Rowan dito matutuwa 'yon. Kahit naman yata sa simpleng bagay ay natutuwa iyon lalo na at kapag ako ang kasama niya.
Pakiramdam ko tuloy ay ang malas niya na ako ang nakilala niyang babae. Lagi siya 'yung nag a-adjust para sa akin. Sumandal ako sa sasakyan ko at pinagmasdan ang alon. Saglit kong ipinikit ang mga mata ko. Hinayaan ko rin ihangin ang buhok ko.
Tipid akong ngumiti ng maalala ang mga panahon na dito ako tumatambay noon. Kahit pigilan ko yata ang utak ko na isipin siya ay paulit-ulit itong nag p-play sa utak ko.
Sinanay ko nalang iyong sarili ko dahil baka sakaling isang araw matapos na ito. Baka sakali bukas sanay na ako. Baka sakali bukas hindi na manginginig ang kamay ko. Baka sakaling bukas tapos na. Hindi na ako aasang biro lang ang lahat ng ito at matatanggap ko ng wala na dapat akong balikan pa.
Bumukas ang mga mata ko ng maramdaman kong may nag park ng sasakyan sa gilid ko. Tinapunan ko ito ng tingin at ang nakakalokong ngisi niya ang bumungad sa akin.
"Director Husbelle Mathilda Sevilla." he qouted his fingers in the air. Saglit siyang napatingin sa suot ko. Gusto ko sanang sabihin na hindi ko ginaya ang outfit niya noon pero nagsalita siya ulit. "Naghahanap ka ba ng supplier ng suot mo?"
Naiiling akong ngumiti. "Tigilan mo ako Laxamana."
"Nagmamagandang loob lang naman."
Binuksan ko ang backseat ng sasakyan at kinuha doon ang painting. Ilang beses niya kaya akong kinulit sa email dahil kukunin na raw niya iyong dalawang painting. Para bang tinakbuhan ko siya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil medyo tumagal ako sa ibang bansa.
"Naks! Ang ganda." namamangha niyang tinitigan ang portrait ni Darcy.
"Papakasalan mo ba 'yan?" tanong ko at itinuro ang portrait ni Darcy.
Sumeryoso ang mukha niya. "Tinatanong pa ba 'yon?"
Tumaas ang sulok ng labi ko. "Ah. . . nagdadate sila ni Rowan."
Nagsalubong ang kilay niya. Kinagat ko ang labi at kinuha pa ang isang painting. Narinig kong bumuntong hininga siya at nagtungo sa sasakyan niya. Kumatok siya sa windshield at bumaba ang salamin nito.
Pagod akong napabuga ng hangin sa isip ko ng magtama nanaman ang mga mata namin. Blanko ang ekspresyon ng mukha niya bago ibaling ang tingin kay Austin. Pati ba naman dito? Kailangan ko ba talagang makita lagi ang pagmumukha niya?
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24