Chapter 24

114 7 0
                                    

Pakiramdam ko mababali na 'yong leeg ko. Lingon sa kaliwa, sa kana, tapos ikot nanaman 'yong ginawa ko. Puno na ng pawis ang noo ko. Sobrang init pa. Kaya good idea talaga na nag sando lang ako.

"Congrats." sabi ko ng makita si Deborah. Ang ganda niya sa suot niya. Bagay talaga sa kaniya ang maging band majorette. Sila pala 'yong nanalo during exhibition.

Hindi niya yata nakayanan ang pagkapanalo nila kaya nahimatay siya matapos ma-announce kung sino ang nanalo. Tandang tanda ko pa kung paano nataranta si Pong at binuhat siya. Halos takbuhin nun ang kotse niya sa parking lot ng hall.

"Thank you." ngumiti siya. 

Pinadulas ko ang rollerblade sa gilid at kumuha ng litrato. Nasa kay Jet ang drone ko. Hiwalay rin kami ng station para mabilis namin matapos ang pag film at para makakuha kami ng ibat-ibang anggulo.

Pinaypayan ko ang sarili ko. Ang init talaga. Binitawan ko muna ang camera ko at itinali ang buhok ko. Kagat kagat ko ang rubber band ng mapatingin sa gilid ko. Muntik ng mahulog ang rubber band ng makita kong nasa tabi ko si Ethan.

"My beautiful amazing girlfriend is tired." komento niya.

Pinagmasdan ko ang dala niyang paypay at payong saka tatlong piraso ng tubig. May energy drink pa doon at kung anong pagkain. May suot rin siyang tote bag at doon nakalagay 'yong mga gamit at dala niya. Binuksan niya ang isang bote ng tubig at binigay iyon sa akin. Binilisan ko ang pag bun sa buhok ko at tinanggap ito.

"I was about to bring our medium fan." wika niya.

Nasapak ko ang balikat niya. "Sira. . . ano 'yun, magdadala ka ng napakahabang extension wire?"

Natawa siya. "Yeah, perhaps I was considering that thought." pinaypayan niya ako gamit ang dala niyang sobrang lapad na paypay.

Ngumiti ako. Possible ba talaga na matanggal ang pagod kapag nasa harap mo 'yong taong importante sayo? Pakiramdam ko kasi natanggal na lahat ng pagod ko. Inayos niya rin ang buhok ko na hindi ko pala naisama sa pagtali dahil nagmadali ako.

"Paano mo ako nahanap?" maaga kasi akong gumising kanina tapos tulog pa siya ng umalis ako sa condo niya. Ayaw ko naman siyang gisingin dahil alam kong sasama talaga siya.

"I have my ways." ngumisi siya. Umirap naman ako. Ang hot niya kapag ngumingisi siya. Parang inaaakit ako. Parang ang sarap niyang ipasok sa t-shirt ko.

"Dito ka lang muna." sabi ko at itinuro 'yong kaharap na kalsada. Pupunta kasi ako sa kabilang street para kumuha ng litrato doon.

"I'll go with you."

Mabilis akong umiling. "Mapapagod ka."

"So what?" parang batang sagot niya. "You need air. You need me." inangat niya pa 'yong napakalaking paypay.

Mahina akong natawa. "Paano 'yan? Naka rollerblade ako tapos ikaw maglalakad kalang."

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Baby. . . you really think that I wasn't prepared for this?" tinuro niya ang scooter sa gilid.

"Fine." sabi ko nalang dahil alam kong magtatalo lang kami rito at hindi siya magpapaawat.

"Hold on." ngumiti siya at kumuha ng cap sa tote bag niya.

Ang softie boy vibe niya naman ngayon. Kahit anong style yata ng pananamit ay bagay sa kaniya. Kumuha rin siya ng towel at ipinahid ito sa noo at leeg ko. Pagkatapos ay isinuot niya 'yong white cap sa ulo ko. Same pa kami ng kulay. Gusto niya talaga 'yong matchy matchy kami. Kahit yata sa kulay ng damit ay binabagayan niya 'yong suot ko.

"Okay, let's go." sabi niya ng matapos.

Nauna na ako habang nakasunod naman siya sa akin. Kumuha ulit ako ng litrato at mga random clips. Hanggang gabi 'yong trabaho namin ngayon dahil may competition pa ng float mamayang gabi. Iniisip ko nalang na sa wakas, tapos na 'yong fiesta. Makakapag pahinga na rin ako. Grabe naman kasi talaga ang mag handle ng ganitong event. Kailangan mong kuhanan lahat na sa tingin mo ay dapat makuhanan.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now