Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Sobrang init kahit naririnig ko naman ang malakas na hampas ng ulan at hangin mula sa labas. Kinapa ko ang gilid ng kama at wala na doon si Cooper. Pagkatapos ay isinandal ko ang kaliwang kamay sa noo ko. Gusto kong bumangon pero parang may naka dagan sa katawan ko.
Sobrang init pa.
Nang hindi ko na makayanan ang init ay inangat ko ang laylayan ng t-shirt na suot ko para hubarin ito. Pero hindi pa ito nangalahati sa tiyan ko ng may daliring nagbaba nito. Pilit kong inaninag ang taong nasa harap ko. Masakit ang ulo ko kaya nanlalabo ang paningin ko.
"Rowan. . ." bulong ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at binuksan ulit ito. Ngunit ang seryosong mukha ni Ethan ang bumungad sa akin.
May dala siyang bimpo at maliit na basin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko mahanap ang rason kung bakit siya nandito. Sinubukan kong umupo pero nagsalita siya.
"Don't move."
"Ayos lang ako." tugon ko. Nilaro niya ang dila sa gilid ng pisngi niya at tumayo. Mukhang naiinis nanaman siya.
"You have a fever."
"Okay?" nagkibit balikat ako at tumayo na.
Nagtingin-tingin ako sa gilid ng kama para hanapin ang hip flask ko. Nang makita ko ito ay kaagad ko itong binuksan at uminom. Pagkatapos ay hinawi ko ang kurtina sa bintana para matitigan ang tanawin sa labas. Madilim pa rin kahit umaga na.
"Uuwi na ako mamaya." sabi ko at binalingan ng tingin si Ethan. Saglit siyang napatitig sa hip flask ko bago mag angat ng tingin sa akin.
"Baha papuntang downtown." sagot niya at tumalikod na.
Sinundan ko siya ng magtungo ito sa labas. May nakahandang porridge sa dining table. May kalamansi juice rin sa isang tumbler. Hindi ko iyon pinansin at umupo ako sa sofa. Hinanap ko sa ilalim ng mesa ang pakete ng sigarilyo ko.
"Hindi ako pwedeng magtagal dito." inilagay ko ang stick sa bibig ko at tumayo na. Humarap ako sa pinto at pinagmasdan ang paghampas ng hangin sa labas.
May transparet tube ang mga sunflower kaya hindi ito nagagalaw ng malakas na hangin at ulan. Tipid akong ngumiti ng mapagtanto kung gaano kahalaga sa kanya ang girlfriend niya. Sobrang mahal niya siguro at ayaw niyang masira ang mga tinanim niya para sa girlfriend niya.
"Eat." biglang sabi niya.
Isinenyas ko ang daliri na hindi ako kakain. Wala talaga ako sa mood kumain. Gusto ko lang tumayo para maibsan ang lagnat ko. Alam kong mamaya mawawala rin ito.
"You are in my house."
Nilingon ko siya at binuga ang usok. Nakasandal ang kaliwang kamay ko sa dibdib habang siya ay seryosong nakaupo sa dining table at pinagmamasdan ako.
"So? Aalis din ako mamay---."
"When I fucking tell you to eat, you eat." putol niya.
Sarkastiko akong ngumisi sa kanya habang nagbubuga ulit ng usok. "Grabe. . . para namang ginusto ko talaga mag stay dito Miranda."
"I told you not to smoke in front of me." gusto kong matawa sa lakas ng boses niya. Nasasanay na yata ako sa mga pag sigaw niya.
Idiniin ko ang sigarilyo sa ashtray at nagtungo sa dining table. Kahit wala akong malasahan ay inubos ko nalang ang porridge sa plato ko at pagkatapos ay bumalik ang tingin ko sa pintuan. Kahit hindi ko maintindihan kung bakit nasa akin nakatuon ang mga mata niya ay hindi ko siya binalingan ng tingin.
"Wash the plates." utos niya bigla pagkatapos niyang kumain at tumayo na.
Saglit na umawang ang bibig ko. Syempre nabigla ako. I mean. . . seryoso ba siya? Bisita dapat ako rito.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24