Chapter 11

133 15 0
                                    

Ethan said he never had a girlfriend.

And now, I am bewildered why he was good with relationships. Kasi ang sarap niyang maging boyfriend sa totoo lang. Grabe, lagi akong busog. May mga snacks pa ako araw-araw galing sa kaniya. Hindi ko alam kung patay gutom ang pagtingin niya sa akin pero parang ganun na nga. 

"Kailangan ba nating gawin ito?" tanong ko ng makapasok sa loob ng sasakyan niya. Ikinabit niya ang seatbelt sa akin bago pinaandar ang sasakyan niya.

"We need to strengthen our bond."

Mahina akong natawa. "Strengthen our bond?"

"To look more convincing that we are both in a relationship." He clarified.

Tumango nalang ako. Sabagay may point naman siya. Ang weird naman nun kung ipapakilala ko siya bigla kay Mercy na boyfriend ko siya kahit hindi kami sweet sa isat-isa. Hinimas ko ang ulo ni Cooper habang pinapanood niya si Ethan.

Six days na nga pala kaming mag on ni Ethan. Bago ko siya iharap kay Mercy, I have to prime my emotional health. Hindi pwedeng manginig ang tuhod ko habang pinapakilala ko sa kaniya si Ethan. I have to make sure that I get the answers that kept bugging my mind. Even if I think it would be far-fetched, bahala na talaga.

"Ang tahimik mo."

Ngumiti ako. "Medyo kinikilig ako ngayon. Ang ganda kasi ng accent mo kapag nagtatagalog."

Tumaas ang sulok ng labi niya. "You know what? Sometimes, I could feel that you like me."

"Wow ang taas ng confidence?" pinakealaman ko ang stereo niya at nagpatugtog doon.

"You are making my confidence higher."

"Tanggap naman kita," natatawa akong nag thumbs up sa kaniya.

"Seriously, paano kung mag confess ako sayo, Belle? Would you hide from me?" hindi ako alam kung seryoso siya o pinagloloko niya lang ako. "Or maybe. . . pagtatawanan mo lang ako."

"So type mo ako?"

Ngumiti siya ng malapad.  "I wouldn't mind If you think of it that way."

"Grabe, Ethan kailan ka pa natutong mag flirt?" reklamo ko sa kaniya at natawa naman siya.

I was leaning on the windshield while staring at the azure beach. Napapatingin ako sa dagat at minsan sa kinang ng mga mata ni Ethan. Minsan ay nahuhuli niya ako at kapag tutuksuhin niya ako ay sinasamaan ko siya ng tingin.

We are not exactly going inside the hotel. Doon kami mismo sa dagat kung saan maraming nakatayong puno. Malaki ang resort kaya maraming spot ang pwede mong tambayan.

Ang lambot ng white sand sa paa. Hinayaan kong maglakad si Cooper at mukhang nag eenjoy naman siya. Si Ethan ay nasa likod namin dala ang easel at basket. Kaunti lang ang tao sa spot namin dahil sabi ni Ethan nandoon ang mga guest ng resort malapit sa hotel building dahil doon tumatambay si Voniz.

"Anong ginagawa mo kapag weekends?"

Simula kasi noong bumalik ang pasukan ay madalang kami magkita tuwing weekends. Pero araw-araw naman kaming magkasama tuwing tapos na ang klase niya. Kahit paulit-ulit kong sinabi na bayad na siya sa camera ko dahil sulit naman talaga ang summer experience ko ng kasama siya. Alam ko kasing pagod siya sa pag d-drive mula sa flying school niya papuntang condo.

"Hang out with my friends?"

Tumango ako at ipinagpatuloy ang pag p-paint ko. Si Ethan naman ay busy sa pag click ng camera niya. Minsan ay tumitigil ako at ngumingiti sa camera niya. Type niya akong kunan so ano ang magagawa ko dun?

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now