Chapter 9

143 16 0
                                    

Inilapag ni Sachi ang malaking pizza sa harap namin. Kumuha ako ng isang slice at masaya niya akong pinanood habang nginunguya ko iyon. Nasasanay na yata akong kasama siya. Nasasanay na rin ako sa dami ng tanong at mga pag k-kwento niya.

Naiisip ko rin na baka dahil sa kaniya ay nadadagdagan ang followers ko sa mga social media accounts ko. Hindi lang 'yun dahil ang daming nagpapagawa ng portrait sa akin. Dati ay sakto lang ang mga clients ko. Ngayon ay lumalampas na sa sampu sa loob ng isang linggo.

"So, what are you planning for Cooper's birthday?" tanong niya ng makaupo.

"Cake lang tapos pasyal." 

Kinuha niya ang soda at ininom 'yon. "By the way, mag c-concert kami sa susunod na buwan. That's our first ever concert and I expect you both to be there." nilingon niya si Jet at nag thumbs up ito.

Nararamdaman ko ang excitement sa mukha niya. Malawak din ang ngiti niya habang pinagmamasdan ang ticket na para sa amin ni Jet. Ilang taon niyang pinangarap maging idol. Alam ko 'yon dahil habit niyang mag narrate tungkol sa buhay niya kahit hindi naman ako nakikinig.

"Congrats, Sachi." I genuinely said.

"Baka kulang kayo sa back up dancer?" biro ni Jet.

Natawa kami.

Nilagay niya ang baba sa palad niya at tumitig sa akin. "Kapag wala kang mapag-iiwanan kay Cooper. Puntahan mo ako sa condo para may kasama si Vj."

"Vj?" muntik ng mabilaukan si Jet. Ang bastos ng pag-iisip nito. Kinagat ko ang labi ko dahil muntik niya ng bigkasin 'yun ng 'bj'. 

"Bunganga mo talaga, Jetry. Aalis na ako at baka mahawa pa ako sayo." ngumisi siya at inilapag ang ticket sa harap namin. Tumayo na ito at nagpaalam ulit.

Nanatili kami ni Jet sa editing room. He was resting his arms on my shoulder. Dito na kami tumatambay kapag may isang oras pa kaming dapat hintayin para sa susunod na subject. 

Hindi pa masyadong hell week iyong mga activities namin. Pero kapag tumuntong kami sa second semester ay ma-eengage na kami sa filming and production. Ibig sabihin mahahati na ang oras ko sa school at trabaho ko. Paano ko naman lalandiin si Ethan kapag ganun?

Ngunit naiisip ko palang ang mga kukunin kong subjects ay na-eexcite na ako. Parang ang fulfilling kapag gustong gusto mo ang ginagawa mo. Gusto kong ninanamnam ang bawat ginagawa namin ngayon sa mga subjects. I wanted to enjoy kasi hindi ko iyon nagawa sa mga nagdaang taon. Nag focus lang ako sa goal na mag excel, but I failed to enjoy what I was doing.

Nang mapansin ang pananahimik ni Jet, bumuga ako ng hangin at pinakiramdaman ang lalaki sa tabi ko. May tanong ako na matagal ko ng gustong itanong sa kaniya. 

"Jet, bakit gusto mo akong ligawan?" kinagat ko ang labi at tinitigan siya sa mata. "Hindi mo naman ako gustong ligawan dahil lang naghalikan tayo diba?"

Natigilan siya sa tanong ko.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang hinihintay ko ang sagot niya. Na c-curios ako sa isasagot niya. Dati akala ko super friendly lang talaga siya sa akin. But he started to be extra caring. Hindi rin siya pumapalya sa pagbigay sa akin ng regalo tuwing may occasion. 

"The kiss was a mistake." napatingin siya sa labi ko. "I didn't mean to kiss you after the prom, I'm sorry." ibinalik niya ang tingin sa mga mata ko. Gusto ko sanang sabihin na ayos lang dahil tumugon naman ako pabalik. Pero itinikom ko ang bibig ko. "Gusto kitang ligawan dahil gusto kita."

Natawa ako. "Seryoso ka ba?"

"It brightens my day when I see you."

"Paano kung comfortable ka lang sa akin?" tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya. "Paano kung ito lang ang gusto mo?" sinapo ko ang pisngi niya at mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now