Chapter 43

200 1 0
                                    

"Cut! Ten minutes break."

Tumayo ako sa upuan ko at inilagay ang megaphone sa mesa. Tumitig ako kay Sachi na kagat ang labing napalingon sa akin. Sinenyasan ko siya na magtungo sa kabilang space ng farm at mahina siyang tumango.

Nagsindi ako ng isang stick ng sigarilyo at hinintay ang paglapit niya. Alam kong nararamdaman niya na hindi ko gusto iyong ginagawa nila ngayon sa set. At sa tingin ko ay kailangan ko siyang pagsabihan kung gusto niyang ipagpatuloy pa ito.

"Alam kong hindi ka okay." panimula ko ng makatayo siya sa tabi ko. Binuga ko ang usok at hinintay na magsalita siya. Ngunit tulala siyang nakatitig sa mga sunflower.

"Sachi, alam mo naman siguro itong pinasok mo ngayon?" tanong ko at tinitigan siya sa mga mata.

"I know. . . I'm sorry." humigpit ang hawak niya sa puting dress niya. "I'm trying my best."

"It's not enough." diretsang sabi ko. Hinarap niya ang titig ko. Naisuklay niya ang buhok at mahinang tumango. "If you want this project to succeed, you must act naturally. Ang awkward ng ngiti mo. Ang tense mong kumilos. Garalgal pa ang boses mo na parang anytime paiyak ka na."

Mahaba siyang bumuntong hininga. Wala siyang sinasabi kaya alam kong nagpapadala nanaman siya sa emosyon niya.

"Where is the Sachi that doesn't give a goddamn fuck to everyone?" tanong ko at imwenistra ulit ang kamay para ipasok ang sigarilyo sa bibig ko. "Iyon ang gusto kong makita sa set ngayon. Hindi 'yong Sachi na paiyak na. Hindi iyong Sachi na mabilis mataranta. Hindi iyong Sachi na palaging gumagawa ng adlibs."

"I'm really trying my best. . ." frustrated niyang sinabi.

Tumaas ang sulok ng labi ko. "Then I guess. . . your best is not good enough. Get up on your knees, Sachi."

"Okay. . ." mahina niyang bulong.

Tinawag siya ng isang staff kaya naiwan ako doon. Kinuha ko ang hip flask ko at tinungga ito. Tulala kong tinitigan ang mga sunflower. Alam ko naman na hindi niya kinaya iyong sinabi ko dahil emotional pa rin siya. Pero sino ang magsasabi sa kanya nun kung wala naman siyang kaibigan maliban sa akin?

Alam kong na challenged lang siya para tanggapin ang role. Pero hindi niya dapat ipahalata iyon. Kung ayaw niyang magmukhang kawawa sa harap ng ex niya. . . hindi dapat siya mag mukhang tanga sa harap ni Voniz.

Bumuntong hininga ako at ipinasok ang mga kamay sa sweatpants ko. Medyo nagsisisi rin ako kung bakit ko siya inaya sa project na ito. Pero alam ko naman na kakayanin niya. Siguro ay medyo naiilang pa rin siya dahil unang week palang naman namin sa set.

Naramdaman kong may tumabi sa akin kaya nawala ang pagmumuni-muni ko. Lumingon ako sa kaniya at agad siyang ngumiti sa akin.

"Hi. . ." mahinhin niyang bati. Tipid akong tumango sa kaniya. "Ako si Angie." pagpapakilala niya pa kahit wala naman interes iyong mukha ko.

"Kilala kita." sabi niya ulit. Lumiit iyong ngiti niya habang ang mga mata ko ay nakatitig lang sa kaniya. "Ikaw ang ex ng boyfriend ko."

Pinagmasdan ko siya. Maputi siya. Mahaba ang buhok at natural na ang kintab nito. May dimple siya sa kaliwang pisngi. Bilog iyong mga mata niya. Cute siya at mahinhin kong titigan. Pero alam kong hindi siya nagkalahati sa ganda ko. Hindi naman ako sinungaling para sabihin na maganda siya.

"Sana hindi ito ang pinili niyong lugar para magkablikan kayo ni Ethan." patuloy niya habang nakangiti pa rin. I slightly tilted my head when I saw her sardonic smile. "Kasi masaya na kami ni Ethan."

"Iyan lang ba ang sasabihin mo?" tanong ko at hindi ko mapigilan ang pagkaburyo sa boses ko.

Lumawak ang ngiti niya. Inosente siyang tumitig sa akin at nilingon ang loob ng bahay. Naroon ang boyfriend niya at abala sa paghahanda ng pagkain nila.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now