"Are you nervous?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.
Sa isip ko, sana nga ay kinakabahan nalang ako. Pero hindi ako kinakabahan. Naguguluhan ako. In-off ko iyong phone ko at humigpit ang hawak ko rito.
Limang taon. . . tapos may anak sila ni Sadie?
Hindi ko alam. . . kasi, kaibigan lang naman sila diba?
Oo. . . naghiwalay sila ni Lucien pero hindi ko naman akalain na sila pala iyong magkakatuluyan. Tapos inimbitahan ko pa si Sadie sa exhibit. Ayos lang naman talaga pero. . .
Paano kung silang tatlo ang makita ko? Kakayanin ko ba?
Tumalikod ako sa kaniya at naupo sa sofa. Dalawang araw nalang bago ang exhibit. Nakaayos na ang lahat. Tapos makikita ko itong news ngayon? Medyo matagal na ito pero ngayon ko lang nalaman ng i-open ko ang phone ko.
Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at nilagay ko ito sa bibig ko saka ko ito sinindihan. Naguguluhan ako. Hindi ko naman akalain na sila pala kahit alam kong pwede naman maging sila.
"Hey. . ." umupo sa tabi ko si Rowan.
Nasa Pilipinas na kami ngayon. At hindi pa ako lumalabas sa condo na inuukupahan ko kahit isang beses kaya pinuntahan niya ako.
"Ayos lang ako." bulong ko.
"Lie to yourself, babe."
Binuga ko ang usok at sumandal sa backrest. Nakakuyom ang mga kamay ko kaya hinawakan niya ito. "Ayos lang ako." ulit ko.
Paulit-ulit ko itong gustong sabihin. Kasi sabi nila, practice makes it perfect. Fake it until you make it. Iyon lang naman ang ginawa ko sa mga nagdaang taon kaya buhay pa rin ako hanggang ngayon.
"Magpahinga nalang tayo." sabi ko sa kaniya at inilagay ang sigarilyo sa ash tray. "Gusto mo bang dito matulog?"
"Do you want me to?"
"Ikaw bahala."
"Would you mind if I told you that I wanted to sleep next to you?"
Nagkibit balikat ako at hinubad ang shorts ko. Bumuntong hininga siya at nagsimulang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap ako sa kaniya.
"Everything's going to be fine." pagsisigurado niya at ngumiti.
Tipid akong tumango dahil hindi naman ako sigurado kung magiging okay nga ba ang lahat. Pero wala naman akong choice. Kahit hindi ako handa ay kailangan kong maging handa.
"Aalis ka?" tanong ko ng halikan niya ang noo ko.
"Yes, I will share a bed with you when you're ready."
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang tie niya. Mahina siyang natawa ng pinalapit ko siya at niyakap. Gusto ko lang kumalma at napapakalma niya talaga ako kapag naririnig ko 'yong tibok ng puso siya. Tahimik niyang hinahaplos ang buhok ko.
"Thank you, Rowan. . ." bulong ko.
"Anything for you." ngumiti siya ulit ng humiwalay ako sa pagkakayakap niya.
Pinanood ko siyang maglakad patungo sa pinto. Saglit siyang tumigil at lumingon sa akin. Tapos kumindat siya. Pabiro akong umirap at natawa naman siya. Nang sumara ang pinto ay natulog na ako.
Kinabukasan ay hindi ko mapigilan ang mabagot sa condo na binili ko. Kung saan saan ko ibinaling ang mga mata ko pero mas lalo lang akong nabobored. Gusto ko sanang makipagkita kay Darcy kaso alam ko namang busy ito sa trabaho niya.
Kaya pumunta nalang ako sa venue kung saan gaganapin ang art exhibit ko. Gusto kong i-check kung nakaayos na ba ang lahat. Tipid akong ngumiti habang pinagmamasdan ang mga paintings ko. Mas marami 'yong abstract painting kasi iyon ang nakahiligan ko sa nagdaang panahon.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24