Ang daming sinabi ng Instructor namin pero kahit isa ay wala akong maintindihan. Grabe. . . bakit walang nagsabi na nakakabobo iyong halik? Bumuntong hininga ako at napalingon sa akin si Jet. Tinanong niya ako kung okay lang ako pero mabilis akong umiling.
Kulang ako sa tulog. Ilang oras lang ang tulog ko. Dahil pagkatapos kong halikan si Ethan ay dinaig ko pa ang nag fun run at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay ni Mercy. Napapikit ako ng maalala ang ginawa ko kagabi.
Tangina, nakakahiya!
Nilaro ko ang lapis ko hanggang sa matapos ang klase namin. Pinagmasdan ko ang mga kaklase ko na lumabas na sa room. Si Jet naman ay tumayo sa harap ko.
"Tara na?" aya niya.
"Paano kung naghihintay si Ethan sa labas?" tanong ko. Kumunot ang noo niya. Ilang saglit pa ay tumaas ang sulok ng labi niya. Parang sira.
"Kailan ka pa naging concern kung nandiyan si Ethan? Palagi ka naman inaabangan nun."
"That's the point. Hindi kami pwedeng magkita." umiling ako ng umiling.
Naguguluhan siyang tumitig sa akin. "What?"
"Jet pwede bang mauna ka. Tapos kapag nagkita kayo, sabihin mo nauna na ako."
Mas lumalim ang kunot ng noo niya. "Teka nga, sinaktan ka ba niya?"
"What? Hindi ah." sumandal ako sa upuan ko. "Hindi pa ako ready na makita siya ulit."
"Baka matagal ng nag aantay ang tao sa labas?" seryoso niyang sinabi.
Bigla akong nakaramdam ng guilty. Oo nga pala, hanggang seven ang class namin ngayon. Pero hindi ko pa talaga kaya. Magpapalamun muna ako sa lupa bago ko siya makita.
"Sabihin mo nag review ako. Alam niyang exam natin sa wednesday."
Natawa siya. "Hindi ka naman nag rereview."
"Jet." sinamaan ko siya ng tingin.
"Alright." napailing siya bago lumabas ng room.
Naghintay ako ng thirty minutes hanggang mag text si Jet na wala na raw si Ethan. Bumuntong hininga ako. Sure akong mag w-worry nanaman 'yon. Pero lalapit naman talaga ako pagkatapos ng exam. Baka bumagsak pa ako kapag magpakita ako sa kaniya.
Mas lalo akong naguilty ng makitang nag text si Ethan at nag goodluck para sa exam ko. Lumabas na ako sa room at pumunta sa studio. Naging distraction ko ang ginagawang trabaho.
Sa kasunod na araw ay iniwasan ko rin siya. Nag text lang siya ng 'Don't forget to eat on time' at sinabi kong 'Ok'. He was casual through text pero ako? Wala akong mukhang ihaharap sa kaniya. Hindi naman kasi ganun kakapal ang mukha ko.
Usually sa Bently, wala na kaming ginagawa two days before examination. Binibigay na iyon ng mga instructors para magpasa kami ng mga output and projects. Tapos na ako sa lahat except sa P.E.
Kahit anong course talagang kunin andon pa rin ang P.E. Mabuti nalang at kapartner ko si Jet sa sa project na ito. Gagawa kami ng video for dribbling, shooting at passing. Hindi ko ito nagawa agad dahil masiyado kong favorite ang P.E.
Magdamag kaming nag shoot ni Jet. Grabe. . . ang sakit ng katawan ko. Napasandal ako sa dingding matapos namin i-submit iyong project sa instructor namin. Nang makalabas kami sa Bently, inaya ko si Jet na bumili ng salonpas.
Habang naglalakad ay pinagmasdan ko ang mga posters ni Sachi. Malapit na iyong concert nila. Ang dinig ko ay sold out na agad ang tickets. Hindi na rin muna pumapasok si Sachi dahil full sched siya sa taping ngayon at sa girl group niya.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24