Chapter 22

223 11 0
                                    

"Siya lang ata iyong ka-fubu mo na umabot ng ilang buwan?"

Ngumiti siya sa akin. Alam ko na ang ibig sabihin ng ngiting 'yan. Wala naman akong karapatan na husgahan siya. Dahil tao lang din naman siya at sinusunod kung saan titibok ang puso niya. Sana lang talaga ay hindi na maulit iyong huli niyang relasyon.

Wala siyang panahon mag move on dati dahil palagi siyang babad sa trabaho. Pero iba ngayon. . . parang nag niningning 'yong mga mata niya kapag magkasama sila ni Austin. Kahit pagod, ang saya niya pa rin sa tabi ni Austin.

"Alam mo naman na nandito lang ako diba?" ngumiti ako sa kaniya.

Ayaw ko ng dagdadagan 'yong stress niya. Ayos na siguro kung isang beses lang mag paalala sa kaniya. Dahil hindi naman na kami mga highschool. Alam niya na ang ginagawa niya. Ang gusto ko nalang iparating, kung may mangyari man na hindi maganda, nandito lang ako para sa kaniya.

"Ewan ko ba. Akala ko kasi, humahanga lang ako noong una." natawa siya. "Tapos ayon, gusto ko na siya."

"Shot puno malala kapag alam mo na." sabi ko nalang at sabay kaming natawa.

Hindi mo naman talaga matuturuan ang puso kung kailan o kanino titibok. The more you hide and avoid your feelings the more it becomes complicated. Hanggang sa hindi mo na namamalayan. . . hulog na hulog ka na pala.

"Ikaw? Kamusta kayo ni Ethan?" tanong niya. Nasa stage kami ng gymnasium. Saglit kaming nag break. Pagod na pagod na 'yong daliri ko kakapinta sa mga custome kaya pinili ko munang pagpahingain ang mga kamay ko.

"Pakiramdam ko nananaginip lang ako." natawa siya. Hindi niya siguro inaasahan ang sasabihin ko. Sa loob kasi ng pagkakaibigan namin, hindi ako expressive. Laging tipid at pabalang pa akong sumagot dati. "Kasi. . . grabe si Ethan. Lahat yata ng gusto ko, hindi ko na kailangan i-voice out kasi nasa kaniya na."

Bumuntong hininga siya. "Masaya ako para sayo. At kung sakali man. . . kapag ikaw, alam mo na." sabi niya at sabay ulit kaming natawa. "Nandito rin ako para sayo. Shot puno nalang tayo." sabi niya saka tinapik 'yong balikat ko.

Si Darcy, siya 'yong kaibigan na hihilingin mo sa mundo. She was there when I had my first menstruation. She was there when I didn't have a parent to attend common school meetings. She was there. . . running to the stage when Mercy couldn't attend to my recognition. She was there to celebrate with my special occasions. Nandoon siya palagi, pwera nalang kung may nangyari sa akin na hindi niya alam dahil ayaw kong ipaalam.

And I would do the same for her. Kasi kapatid ang turing namin sa isat-isa. Bata palang kami ay magkaibigan na kami. Iyong bahay na katabi ng bahay nila Pong which is kasunod sa bahay ni Ethan. . . sa kanila 'yon. Privilege naman talaga sila dati. But just like what they alaways said, life turns out to be unpredictable.

Pinanood ko sila ni Austin. Okay naman 'yong lalaki, I think? Hindi naman kasi mababase sa physical na anyo ang magiging judgement sa buong pagkatao ng isang tao. Pero nakikita ko naman kung paano siya tumitig sa kaibigan ko. Kung paano niya hatiran ng pagkain 'yong kaibigan ko. Kung paano sila ngumiti sa isat-isa.

Basta masaya si Darcy at wala siyang tinatapakang tao? Ayos lang.

Nakita kong naglalakad patungo sa direksyon ko si Ethan. Tumayo ako at nilapitan siya. Paminsan-minsan ay dumadalaw siya rito kahit anong oras na. Sanabi ko naman sa kaniya na huwag na dahil nag d-drive pa siya papuntang flying school. At may key card na ako sa condo niya. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon basta binigyan niya ako noong nakaraang linggo.

"Kumain ka na?" tanong ko at pinatakan siya ng halik. Medyo nagulat pa siya at ng makabawi ay binigyan ako ng gwapong ngiti. Na miss ko kaya siya. Nagkikita naman kami kapag gabi pero minsan natutulugan ko siya.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now