Chapter 52

318 6 0
                                    

I understand I am being unreasonable right now. But when he said he still loved me, I didn't expect him to listen when I told him he could date someone else. Ni hindi pa sila nagpapakasal ni Angie pero buntis na ito.

When the shuttle stopped in front of me, I kept my stoic expression. Bumukas ito at kaagad na nagtama ang tingin namin ni Ethan. He smiled as if he hadn't invaded my mind after I saw him with Angie.

Lumihis ang mga mata ko at nagtuloy na ako sa pagpasok sa loob. Ngunit naupo rin ako sa tabi niya ng iyon nalang ang bakanteng upuan sa loob ng shuttle. Tahimik akong tumitig sa labas ng bintana.

Wala naman akong ibang sasabihin kaya sa tingin ko ay hindi ko na kailangan mag abalang mag salita. Lumingon sa akin ang mga nasa loob. Nagkamustahan lang ngunit tipid akong sumagot. Ako ang huli nilang sinundo kaya nakabuntot na ngayon ang shuttle sa kotse ni Lucien.

Bumuntong hininga ako ng maamoy ang pabango niya. Parang iniimbitahan ako nitong lumingon sa kanya. Pero wala talaga akong balak na tingnan siya.

"How's your flight?" biglang tanong ng katabi ko.

"Okay lang." tipid kong sagot.

"The drive to the resort will take three hours. Do you want some?" narinig ko ang tunog ng pringles at chips. Inilahad niya pa ito.

Mahina akong umiling habang ang paningin ay nakatuon pa rin sa bintana. "I'm good."

Hindi na siya umimik ulit. Wala rin akong maintindihan kung bakit ganito ang inaakto ko. In fact, ako pa ang nagsabi sa kanya na huwag niya akong hintayin. Pero hindi ko rin inakala na four months palang simula noong puntahan niya ako sa Switzerland ay may anak na siya kaagad.

O baka hindi ko lang matanggap na 'yong babaeng dalawa ang mukha ang nakatuluyan niya. Napairap ako sa bintana at isinuot ang shades ko. Inayos ko ang upo at isinandal ang ulo ko sa tuktok ng upuan dahil balak kong matulog. Mahaba-haba ang biyahe at mabuburyo lang ako kung mananatili akong gising.

"Here, use this." bigla ay inilahad niya ang neck pillow. Saglit akong napatitig dito. Gusto ko sanang abutin ngunit naalala ko sila ni Angie. Kahit ako ay hindi ko gustong makitang ganito ang ex ko sa ex niya.

"Gamitin mo nalang." tangi kong nasabi saka ipinikit na ang mga mata ko.

Sa awa ng diyos ay naging maayos naman ang tulog ko. Sa sobrang ayos ay naunan ko na ang balikat ni Ethan. Kinagat ko ang labi ng hindi pa rin siya gumagalaw habang ang mga kasama namin ay nagsimula ng bumaba sa shuttle. Mukhang wala rin siyang plano na gumalaw ngunit hindi naman makapal ang mukha ko kaya umayos ako kaagad ng upo.

Tumikhim ako at inayos ang shades ko. Pagkatapos ay nilingon ko siya dahil nakaharang siya dadaanan ko. Binigyan niya ulit ako ng ngiti. Lumihis ang mga mata ko at tinitigan ang maliit kong maleta sa gilid.

"I didn't mean to," pagtutukoy ko sa paghiga sa balikat niya. Sana lang talaga ay hindi matagal ang pagkakahiga ko dahil nakakahiya.

"It's okay." malambing niyang sinabi.

Tumango lang ako at hinintay na lumabas siya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalabas na kami. Lumapit ako kay Darcy na kanina pa nakanguso. Pansin ko rin ang palihim niyang pag-irap.

Napagpasyahan namin na magtungo muna sa kanya-kanyang kwarto para iwan ang mga gamit namin. Ang mga staff ng hotel, na pagmamay-ari ni Austin, ang nag assist sa amin. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan na balikan ang mga panahon na namalagi ako rito ng isang linggo bago ako pumunta sa UK.

Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang dagat mula sa kwarto ko. Mabuti nalang talaga at sa villa ako nag stay dati. Medyo nakatulong 'yon para hindi ko masyadong maalala ang kagagahan ko dati. Pero kapag nakikita ko ang dagat, parang pinapanood ko rin ang malungkot na Mathilda na nakahiga sa puting white sand.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now