"Where are you?" seryoso niyang tanong ng masagot ko ang call niya.
Binitawan ko ang maleta ko at naupo sa sofa. Kinuha ko ang remote at itinapat ito sa malaking bitana. Sumandal ako sa backrest at nilanghap ang malamig na hangin.
"Sa bahay." tipid kong sagot.
Alam kong salubong na 'yong kilay niya dahil sa sagot ko. Hindi niya siguro inaasahan na aalis ako agad pagkatapos niya akong iwan sa suite ko kagabi.
"Which house? You own several houses, so which one is it? Portugal? Switzerland? Bali? New York? Canada? Russia? Australia? Where?" sunod-sunod niyang tanong.
"Prague."
Bumuntong hininga siya. Siguro ay nakahinga siya ng maluwag dahil hindi ako sa club nagpunta kundi umuwi nalang ako sa bahay ko.
"You should have told me." kalmado niyang sinabi.
"I wanted to be alone." mahina kong sagot.
Nararamdaman ko na ang antok ko dahil simula ng makita ko ang taong iyon ay hindi na ako nakatulog. Kaya ang ginawa ko ay nag book agad ng flight papunta rito.
"Get some rest." bulong niya.
Hinanda ko ang sarili ko para sa sermon niya pero mabuti nalang ay iyon lang ang sinabi niya. Nakakapagod din kasi ipagtanggol ang sarili ko na hindi ito tungkol sa nangyari kaya ako umalis agad ng Japan. Ang alam ko lang ay ayaw kong nasa iisang lugar kami.
Hindi ko kaya. O baka kaya ko naman talaga. Siguro kaya kong ipakita na hindi ako apektado. Na wala lang siya sa akin kasi matagal na 'yon. Pero mas bumibigat 'yong nakadantay sa dibdib ko.
"Okay. . ." sabi ko at pinatay ang tawag.
Tumayo ako at pumunta sa bar island. Isa-isa kong hinubad ang suot ko at inilapag ito sa sahig. Pagkatapos ay nagtungo ako sa kwarto ko at uminom ng maraming alak para makatulog.
Nang magising ako ay gabi na. Binuksan ko ang mga bintana para pumasok ang lamig sa loob ng bahay kahit nakabukas naman 'yong mga aircon. Pagkatapos ay nagtungo ako sa retractrable pool floor. Habang hinihintay kong bumukas ito ay hinubad ko ang lahat ng damit ko. Pagkatapos ay nag dive ako sa pool.
Gusto ko iyong sobrang lamig. Kasi pakiramdam ko kaya nitong ma freeze 'yong isip ko, yung nararamdaman ko, yung bigat sa dibdib ko. Wala akong ibang iisipin kundi ang lamig lang. Wala akong pwedeng problemahin kundi ang lamig lang na nararamdaman ko.
Sanay na siguro 'yong katawan ko. Dati kasi, sobrang nanginginig pa ako kapag winter season. Pero ngayon, hindi na ako tinatablan. Siguro nanginginig 'yong kamay ko. Pero iyong katawan ko? Wala akong maramdaman. Pakiramdam ko namamanhid na ako.
Pinagmasdan ko ang mga bituin sa langit. Bumuga ako ng hangin. Akala ko ba gusto niyang maging doctor? Akala ko ba aayusin niya sa Aviation para makapag doctor siya? Bakit hindi niya tinuloy?
Nasa isip ko nanaman siya. . .
Suminghap ako at umahon na sa pool. Sinuklay ko ang buhok ko habang naglalakad ng walang saplot. Saglit akong napatigil ng bumukas ang pinto. Bumuntong hininga ako ng makita ang likod ni Rowan.
"Are you naked?" tanong niya at hindi pa rin ako nililingon.
"Nakita mo na naman 'to." sagot ko at isinuot ang robe.
Totoo naman. Noong una ko siyang pinapunta sa bahay ko ay naliligo ako sa pool. Hindi ko rin naman inaasahan na pupunta siya agad kaya hinayaan kong maglakad ako sa pool area ng nakahubad. Alam kong na trauma siya ng dahil dun kaya kapag pumupunta siya sa bahay ay sinisigurado niya muna kung nasaan ako.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24