"Hindi na kayo nag-uusap?"
Umiling siya. Napasandal siya sa upuan habang malayo ang tingin. Hindi na siya 'yong Austin na palangiti. Parang ang lalim lagi ng iniisip niya.
"So. . . ibibigay ko sa kaniya 'tong mga libro?" tanong ko at pinagmasdan ang mga makakapal na libro para sa accounting. Complete set na ito.
Tipid siyang ngumiti. "Oo."
"Sasabihin ko bang galing sayo?" alanganin kong tanong.
"Huwag na."
"Sige, gagawan ko ng paraan." nag thumbs up ako sa kaniya.
Hinawakan ko ang kamay ni Ethan ng maramdaman ang pagbuntong hininga niya sa tabi ko.
Simula raw kasi ng makauwi kami noong pasko, hindi nila makausap ng matino si Austin. Ayaw nitong magpakita sa kanila kaya nagulat si Ethan ng makipagkita sa akin si Austin. Ayaw ko naman siyang tanungin kung ano ang nangyari dahil nakakahiya. Mabuti sana kung close kami.
Si Darcy naman, halata sa kaniya na iniiwasan niya ang topic. Dahil noong unang beses ko siyang tinanong ay dina-divert niya agad ang usapan. At hindi ko na siya kinulit dahil nahihirapan din siyang mag keep-up sa Sheldon.
"Ayos lang ba siya?" tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan.
Ngumiti ako. "Minsan oo. . . minsan naman sakto lang at minsan hindi. Ang dami niyang kailangan gawin para makapagtake ng finals noong last sem. Pero bumabawi siya ngayon."
Tumango siya. Isang oras pa namin siyang pinanood bago kami nagpasyang magpaalam sa kaniya. Pinagisipan ko muna ng mabuti kung paano ko ibibigay kay Darcy 'yong mga libro.
Mahal kasi 'yong mga libro ng mga Accountancy student. Katulong niya ako dati sa paghahanap ng mga second hand book para maka less siya. At totoong hindi biro ang presyo.
Kinabukasan, pagkatapos ng klase ko ay hinintay ko siyang makalabas sa Sheldon. Medyo natuwa ako ng magbitiw muna siya sa pag t-trabaho sa Pub. Mas ma i-stress kasi siya kapag pinagsabay niya 'yong mga trabaho at iba pang mga priorities niya.
Lalo na ngayon na natambakan siya ng mga gagawin. Nahahati talaga 'yong buong atensyon niya. Sa pamilya, sa trabaho at sa Sheldon. Bunos na yata 'yong sa kanila ni Austin.
"Kanina ka pa?" gulat niyang tanong ng makita ako.
Umiling ako. "Nakalimutan kong ibigay 'yong regalo ko sayo." sabi ko at pinakita sa kaniya ang libro. Sabi ni Austin, ayos lang daw kung kahit ano ang irason ko basta maibigay ko sa kaniya ang mga libro. "In-offer sa akin ng kapatid ng kaklase ko. Mura lang kaya ito nalang 'yong regalo ko sayo. Ayos lang naman sayo diba?"
Naiiyak siyang tumango sa akin. Nitong mga nagdaang araw ay emosyonal talaga siya. Pero mas mainam kung ipakita niya ang totoong nararamdaman kaysa itago. Atleast kapag iiyak siya, naiibsan 'yong bigat kahit unti lang.
Napatitig ako sa sulok kung nasaan si Austin. Tipid siyang tumango saka umalis. Bumuntong hininga ako at pinagmasdan si Darcy na tinutulungan akong bitbitin 'yon. Paulit-ulit siyang nagpasalamat sa akin kahit nakarating na kami sa bahay nila.
Pagkatapos ay bumalik ako sa studio para ipagpatuloy ang trabaho ko. Nag-iipon kasi ako at tinutulungan ko rin si Darcy kahit 'yong paunti-unting pagbili ng gamot ng kapatid niya. Ayaw niya nga noong una kasi sobra na raw 'yong tulong ko. Pero paulit-ulit kong sinabi sa kaniya na ayos lang.
Kaya ko naman talagang tumulong kaya bakit hindi ko siya tutulungan? Siya rin 'yong naging make-up artist ni Sachi kaya kahit papaano ay hindi siya namromroblema sa pera. Patuloy pa rin ang trabaho niya sa Kobayashi resort tuwing weekends. Tapos kumakayod na rin si Tita Dorothy kaya kahit papaano ay natutuwa ako para sa kaniya na hindi niya na kailangan magpuyat sa gabi para sa pera.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24