Chapter 37

223 1 0
                                    

"A heartfelt thank you to everyone who has come here to watch the movie screening with us. We appreciate your unwavering support, from the beginning to the end of our filming journey, and I believe this movie would not be as successful as it is today without you guys. To the entire production team, it was an incredible pleasure working with each and every one of you. . ."

Nakatuon ang mga mata ko sa lawak ng audience na nasa harap ko. Ito ang huling movie block screening na gagawin namin kaya medyo napahaba ang sinabi ko. Nararamdaman ko ang excitement sa mukha ng mga fans habang nagsasalita ako sa harapan nila. Ang production team naman ay mukhang nakahinga na ng maluwag dahil sa wakas. . . makakapag pahinga na sila.

Paano ba naman kami hindi mapapagod kung sobrang pasaway ng ibang artista na kasama namin sa set? Mukhang hindi tinuro aa kanila ang concept ng time management at laging late kung pumunta sa set. Kung hindi lang ako nabobored. . . hindi ko talaga tatanggapin itong movie project na ito.

Sobrang ganda ng script tapos 'yong female lead artist na mag p-portray. . . naku naman talaga.

"It was also a pleasure working with you, Direc." Jasmine said after the event. Umismid ito.

Ni hindi ko magawang ngumiti dahil matagal na akong nagtitimpi sa kaniya. Sobrang stressful humawak ng mga artista lalo na 'yong self center na katulad niya na akala nila ay hawak nila iyong oras mo.

"I hope to work with you again." she continued using her mocking tone.

I tilted my head. "Oh, about that? There'll be no next time, Jasmine. I'm positive that after this, I won't see your face again."

Umawang ang labi niya. Akala niya siguro ay nag e-enjoy ako sa set kasama siya. Walang araw na hindi sumasakit ang ulo ko sa performance niya dahil dinadaan nalang namin sa matinding edit ang acting skills niya para maging maayos ang outcome.

"Excuse me?" mataray niyang sinabi.

I pursed my lips.

"Let's be honest, Jasmine. If it wasn't for my name, no one would watch the movie. No one would come here tonight to see you, and I'll bet my life on it." diretso kong sinabi habang nakatitig sa mga mata niya.

"Oh my God, you have the fucking nerve to say that to my face. . ." hindi makapaniwalang sinabi niya. Mukhang handa na siyang gumawa ng eskandalo kasi his Daddy can easily clean up her mess.

"And you have the audacity to believe that you are a good actress? Look at yourself on the screen." tinuro ko ang malapad na screen sa likod niya. Namumula na siya sa galit kaya nagpatuloy ako.

"Your facial expression appears as though you are having a stroke when you cry. You'll pull a sultry face when I tell you to make a stoic face. When I command you to laugh gracefully, you will laugh as if you are the villain. You didn't even read the manuscript and were constantly making adlibs."

Sana pala naging script writer nalang siya dahil mukhang iyon 'yung forte niya.

Pinanood kong mas mamula ang mukha niya. It must be the first time she has received an honest critic dahil takot 'yong co-director ko na pagsabihan siya. Kasi kilala siya bilang anak ng CEO ng isang sikat na management. Pero pakialam ko ba?

Sinuyod niya ang paligid na para bang sinisigurado niya na walang nakarinig sa amin. Pagkatapos ay sinamaan niya ako ng tingin bago naglakad paalis. Umikot ang mga mata. Binuksan ko ang hip flask ko at nagsimulang maglakad palabas ng cinema.

Limang buwan ko rin tiniis 'yon. Hindi ko siya masabihan noong una dahil pinigilan ako ng co-director ko. May habit daw si Jasmine na umabset sa taping kung kailan niya gusto. Lalo na raw kapag pinupuna siya ng Director.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now