Para akong nabingi sa narinig ko.
Nanatiling nakatuon ang mga mata ko sa kanya. Paulit-ulit kong hiniling na bawiin niya ang mga salitang binitawan sa harap ko. Ang tagal kong hinintay 'to. . .
Sobrang tagal. . .
At ngayong nasa harap ko na, parang gusto ko ng umatras at tumakbo palayo. Tahimik na hinihiling na sana panaginip nalang ang lahat ng ito. Na sana binabangungot nalang ako ng sobrang tagal. Na sana kung magising man ako bukas o kahit ilang taon man ang lumipas. . . ayos lang. Basta hindi totoo ang mga narinig ko.
Pero ngayong naibagsak na ang katotohanan sa harap ko. Pakiramdam ko ay tinanggalan ako ng dila. Parang nakalimutan ko na kung paano gamitin ang sariling utak para intindihan ang salitang sinabi niya.
Nagtuloy sa pag agos ang mga luha ko. Nanginginig ang kamay at mga tuhod ko. Hinihintay ko nalang na bumagsak ako para hatakin ako ni Rowan palabas dito.
"Girlfriend ni Mathew si Merithel ngunit. . . nakabuntis siya ng ibang babae. Kaibigan ko ang Mommy mo, anak. We hit a drink. We got drunk. . . at may nangyari." puno ng pagsisisi ang mukha niya pero hindi nito naibsan ang nararamdaman ko. "I thought she was Mercy. . . Hindi ko sinasadya. . . Mercy was my girlfriend that time and I was oblivious of her pregnancy. Pero nalaglag ang bata ng malaman niyang buntis si Merithel."
Bumilis ang paghinga ko habang pinapakinggan ang sinasabi niya. Gusto ko siyang tumigil ngunit parang may sumasakal sa leeg ko.
"Mathilda. . . Mercy went through a lot. She was kept in the shadow. She tried to be carefree about it. But then Merithel died. . . Her suffering prolonged. Walang nakakakilala sa kanya dahil hindi siya mahilig lumabas ng bahay. Ang mga relatives lang nila ang may alam na may kakambal si Merithel. Including me and Miranda."
"She had to abandon her dreams, drop her life, and continue living as Merithel. Kahit patuloy siyang nagdurusa. . . pinalaki ka niya." malungkot siyang ngumiti at tumitig sa mga mata ko.
"It was my fault that you were both suffering. I had no idea what to do at the time because of Mercy's condition. . . she became trapped within the darkness, as if she were carrying all the problems in the world on her shoulders." tumulo ang luha sa mga mata niya. Tinanggal niya ang salamin at tumayo saka naglakad patungo sa akin.
"Mathilda. . . anak. . ." nanghihinang pagtawag niya. Para bang hirap na hirap siya sa mga nangyayari ngayon.
"Anak mo. . . ako?" nabasag ang tinig ko.
Ilang taon kong kinimkim ang sakit. Ilang taon kong tiniis ang lahat. I was suffering as well, but I endured it all because I had instilled in myself the belief that everything was my fault. Pilit kong inayos ang sarili ko kahit ilang beses ko ng gustong bumitaw dahil sa pauli-ulit na sakit na nanunuluyan sa puso at isip ko.
His eyes were filled with anguish as he looked at me. Ilang beses ko rin naramdaman ang pagkapunit ng puso ko. "I'm sorry. . ."
Napahawak ako sa dibdib ko at humakbang paatras. Napapalibutan na ang pisngi ko ng mga luha na walang awang umaagos mula sa mata ko. Ayaw nitong tumigil at mukhang wala itong balak tumigil dahil sa mga narinig.
"Sorry? Tangina. . ." natawa ako. "Kaya ba nitong mabago ang nararamdaman ko?" nanghihina kong tanong.
Pinagmukha nila kaming tanga. . .
"I just. . . did what Mercy wanted me to do."
"Mukha ba kaming mga laruan na pwede niyong paglaruan? Katawa-tawa na ba ako sa inyo?!" sigaw ko.
Umiling siya at lumapit sa akin ngunit umatras ulit ako. "We only did that so that you could pursue your dreams. . ."
"Bullshit!" galit kong putol sa kanya. Parang napantig ang tenga ko sa narinig. Hindi mapangalanan ang galit namumuo sa kalamnan ko. "You allowed her do that to me para makapaghiganti siya sa akin! Para maiparamdam niya sa akin ang sakit na ipinaramdam niyo sa kanya ng nanay ko!"
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24