"Rowan. . ." I answered the call. Binasa ni Ethan ang labi at nag iwas ako ng tingin.
"I am inside your unit. Where are you?" seryoso niyang tanong sa kabilang linya.
Lumunok ako. Alam kong alam niya kung nasaan ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto ang ginawa namin ni Ethan. Ngayon lang ito tuluyang nag sink in sa utak ko.
Tangina. . .
"Pupunta na ako diyan." sagot ko at nilingon si Ethan na preskong pinagmamasdan ako.
Ngayon ko lang naramdaman ang pag gapang ng mainit niyang kamay sa balat ko. Pakiramdam ko paulit-ulit akong binabalatan ng buhay. Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko at naglakad ulit patungo sa kanya. Pinagmasdan niya ang bawat galaw ko hanggang sa isapak ko sa labi niya ang phone ko.
"Fuck!" mura niya at sinapo ang gilid ng labi niya.
"Anong ginawa mo?!" galit kong tanong sa kanya.
Umigting ang panga niya. "I kissed you?"
"Bakit mo ginawa 'yun?" madiin na tanong ko.
Hindi ko na mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko. Gusto kong may itapon sa pagmumukha niya ngunit wala siyang maliit na vase sa paligid. Wala akong ibang hawak ngayon kundi 'yong cellphone ko lang.
Nagkibit balikat siya at pinahid ang dugo sa labi niya. Ni hindi ko napansin kung malakas ba ang pagkakasapak ko sa kanya.
"Why? Was it a big deal? And it seems like you enjoy it though. . . You responde---"
Isinampal ko ulit sa kanya ang phone ko pero mabilis niyang nahawakan ang pulsuhan ko. Ngumisi siya na mas lalong kinainit ng ulo ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa harap niya.
"Fuck you!" bulyaw ko at binawa ang kamay ko.
Ibinato ko ulit sa kanya ang phone ko. Hindi niya ito napaghandaan kaya tumama ito ulit sa gilid ng labi niya. Ilang beses siyang napamura habang ako ay nangangalaiting magmartsang lumabas sa unit niya.
May ibang napapatingin sa akin dahil siguro hindi maipinta ang mukha ko. Lumihis kaagad ang paningin ko sa pintuan ng unit ko. Muntik ko ng masira ang monitor sa labas at padabog kong naisara ang pinto.
Nakakunot ang noo ni Rowan ng magtama ang mga mata namin. Naka shorts at sando siya habang nakapangalumbaba sa sofa. Tumaas ang sulok ng labi niya ng mapansin ang mukha ko. Ngunit kaagad na nagsalubong ang kilay niya ng makita ang leeg ko.
"What the fuck?" tumiim ang bagang niya.
"I know!" iritado kong sagot at nagtungo sa vanity mirror.
I tilted my head para matingnan ng maayos ang leeg ko. Tangina. . . sobrang laki pa ng hickey na nilagay niya. Hindi lang iyon isa dahil tatlo ang nilagay niya!
"Did I disturb you two?" seryosong tanong niya.
"No! I'd appreciate it if you had called me sooner." kinagat ko ang labi ko dahil sa matinding frustration.
Mabilis kong kinuha ang towel ko at padabog na pumasok sa shower room. Hindi ko maikalma ang malakas na pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko sasabog na ito sa sobrang galit na nararamdaman ko.
Kapag pipikit ako naaalala ko kung paano niya ako halikan. Kapag naman ibubuka ko ang mga mata ko naaalala ko ang mukha niya at kung paano siya ngumisi.
Matapos ang hindi mabilang na oras sa loob ng shower room ay lumabas na ako. Blanko akong sinalubong ng tingin ni Rowan. Alam ko ang iniisip niya. Akala niya siguro ay nakipagbalikan ako kay Ethan. Hindi niya naman alam na kapatid ko si Ethan kaya awtomatikong ito ang iisipin niya.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24