"Rise and shine, baby."
Kinusot ko ang mga mata ko at tinitigan ang mga mata ni Ethan. Ang ganda ng ngiti niya. Mas maganda pa sa sikat ng araw.
Hinalikan niya ang noo at labi ko. Nakaligo na pala siya. Tumayo ako at isinuot 'yong polo niya. Nakangisi siyang lumapit sa akin at siya 'yong umaayos ng mga butones nito.
"Saan tayo mag b-breakfast?" tanong ko. Sinuklay ko ang buhok at pumasok sa cr.
"Let's eat outside and it's called breakfast date." sagot niya at sinundan ako.
Natawa ako. Napakapit ako sa sink saka tumango. Gusto ko ring makatikim ng pagkain nila sa mga restaurant dahil curios ako. Nitong mga nagdaang araw kasi ay tinipid ko 'yong sarili ko dahil baka abutin ako ng matagal sa Baguio.
"Pasyal tayo." sabi ko at hinarap siya.
Ngumiti siya at sinuklay ang buhok ko. "Okay sure. Where do you want to go?"
"Wait, shower muna ako tapos pag usapan natin mamaya." tinusok ko 'yong dimples niya.
Miss na miss ko ng makita 'yon. Miss na miss ko na ang lahat sa kaniya. Lalo na 'yong mga mata niya. Umiling ako dahil baka kung ano nanaman ang gawin namin. Nakangiti kong inabot ang knob ng pintuan para isara 'yong cr. Natawa naman siya. Mabilis niyang hinalikan ang noo ko at naupo sa kama.
Nag hot shower lang ako. Nag suot ako ng denim skirt na hanggang tuhod. I paired it with my white top and skin tone cardigan. Tapos black loafers ang suot ko sa paa. Ethan's wearing a cargo pants, half zip polo shirt and otsinuka shoes.
Nagpa-reserve na pala si Ethan sa kakainan namin. Sa sizzling steak house 'yon. Ngayon ko lang na-appreciate kung gaano kasarap 'yong mga food na kinakain ko sa Baguio. Noong nakaraan kasi kumakain lang talaga ako para may energy ako sa paghahanap.
"Baguio Cathedral muna tayo." sabi ko ng makaupo ako sa sasakyan na ni-rent niya pala.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan 'yon. Nakangiti lang ako buong biyahe. Alam kong hindi niya ako inaya mamasyal dahil hindi naman 'yon ang purpose ko sa pagpunta rito. At dahil wala pa akong natatanggap na update gusto kong magpasyal muna kami. Atleast, nasulit pa rin 'yong pagpunta namin dito. Sayang naman kasi kung hindi kami mag stroll.
"Paano mo ako nahanap?" curios kong tanong sa kaniya.
"I pulled some strings." umawang ang labi ko. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko at tipid na ngumiti. "I had no intention of using my last name's influence. However, I managed to track you down."
"Ginawa mo 'yun?" mahina kong tanong.
"It's the only option left to locate you. I. . . traced your flight."
Kinagat ko ang labi ko. Bawal kaya 'yong ginawa niya. Pero kaya niya naman gawin ito dahil malaki ang connection ng pamilya nila dahil lahat ng flying school sa Pilipinas ay pagmamayari nila.
"Pero four days kana rito diba?"
"Yeah. . . I tried to find you without asking anyone for help. I went to the same places you did, but it had been four days and I was desperate to see you. I'm sorry if I had to do that." masuyo niyang sinabi.
Itinigil niya ang sasakyan sa parking. Hinarap niya ako. Umiling ako sa kaniya at ngumiti. Here I am again. . . asking what did I do to deserve this man? I reached for his nape and kissed him. Hindi ko na alam kung paano ko ipaparamdam na mahal ko rin siya. I don't think words can truly convey the way I truly feel about him.
After the kiss, he flashed a radiant smile while my eyes rested on his face. Kung saan ako pupunta ay susundan niya ako. Kahit nasa kalagitnaan kami ng second semester narito siya para samahan ako. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko dahil sa kaniya.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24