Isang linggo.
Isang linggo mula ng huling pag-uusap namin ni Ethan. Naaalala ko pang sinabi niya na mag-uusap kami, but there was no specific time this week when that happened. Nalulungkot ako. Naguguluhan ako kasi hindi ko makita kung saan ako nagkamali.
All I wanted was to talk to Ethan and address any potential issues. Pero hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Paano kung ayaw niya akong kauspain?
Araw-araw, nag sesend naman siya ng text. Tinatanong kung ayos lang ako. Pero hindi ako nag r-reply kasi gusto kong kausapin niya ako sa personal.
"Ang ganda ng sikat ng araw, Matty." sabi ni Jet. May halo iyon ng pang-aasar.
"Malulugi ako nito." Ian jokingly sighed.
Bumuntong hininga ako at ipinagpatuloy ang ginagawa sa harap ng computer. Hindi ko na maalala kung paanong nawala sa isip ko si Mercy dahil simula ng mag usap kami ni Ethan, siya na palagi ang laman ng utak ko. I am so invested in our last conversation.
Ni hindi ko na rin kinakausap si Mercy dahil nirerespeto ko ang gusto niya. Pagod na rin ako. Baka tama nga siya. Pero syempre, I am still that naive child who hoped that one day, she will realized that she cared for me.
"He was jealous, Matty." nilingon ko si Jet. Nakangisi siya habang nilalaro si Cooper. Close na sila.
"Bakit naman siya magseselos?" puno ng pagtataka kong tanong. "At hindi naman ganun ka seloso si Ethan pagdating sa kaibigan."
Hindi nila alam kung gaano ka close si Sadie at Ethan. At kapag magkasama si Sadie at si Lucien, hindi naman nagagalit si Ethan. Hindi naman umiigting iyong panga niya. O kaya ay hindi naman nandidilim iyong paningin niya. Parang sira.
Ian sighed. "Grabe. . . tumatanda kana. Ang clueless mo pa rin."
Umiling ako dahil hindi ko sila maintindihan. Tinapos ko muna ang mga trabaho ko kahit patuloy pa rin ang pang-aasar nilang dalawa. Ang bait talaga nilang kaibagan habang narito ako at prinoproblema kung paano kakausapin si Ethan.
Yayain ko ba siyang kumain? Or mag beach? O di kaya ay mag excursion kami? Kaso mag p-prelims na next week. Alam ko naman na hindi ako nag aaral pero baka ma-istorbo ko siya.
Sumandal ako sa upuan ko at tumitig sa ceiling. May matagal na akong gustong puntahan kasama siya. Pero baka kasi mahal ang ticket. Tsaka paano kung hindi siya pumayag?
Tumitig ako kay Cooper na kanina pa ako pinapanood. Kung marunong lang ito magsalita, baka kanina pa siya nagreklamo sa mga pagbuntong hininga ko. I closed my eyes and massaged my head.
Hindi ko alam kung paano natapos lahat ng trabaho ko this week. Hindi rin ako natatambakan. Dahil naisip ko na baka pag may free time si Ethan at gusto niya akong puntahan, tapos na ang mga trabaho ko.
Napatingin ulit ako kay Cooper. Kumakapal na ang buhok niya. Mas nagiging cute siya sa kulot niyang buhok. Hinimas ko ang ulo niya. Tumitig siya sa mga mata ko and all I could see was Ethan's sad eyes.
Napatigil ako.
Tumayo ako at inakay si Cooper. Sabay naman na napatingin sa akin si Ian at Jet. They were suspiciously staring at me and I shrugged. Nagpaalam ako sa kanila. Wala akong sinabing agenda dahil tutuksuhin nanaman nila ako. At dahil wala na akong gagawin ay pinayagan ako ni Ian.
Malapit lang naman ang condo niya. Kaya ilang minuto lang ay nakarating ako. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko ng mapatigil ako sa malaking building. Parang sira talaga. Nagtungo ako sa salamin na pintuan at automatic itong bumukas.
I'm just gonna try my luck.
As soon as I entered the lobby, saglit akong namangha. I wonder how Darcy felt when she found out that the Laxamana she was hanging out with was one of the richest people in the country. I remember how angry she was while criticizing Austin for not knowing the meaning of punctuality.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24