Chapter 12

230 16 0
                                    

"Are you busy?"

Kalalabas ko palang sa gate ng Bently. Alas syete ng gabi natapos ang klase ko. Sasabay sana ako kay Jet ang kaso ay hindi ko na ito mahagilap pagkatapos ng last subject namin. Iniiwasan niya ako.

"Medyo." sagot ko. Hinawakan ni Ethan ang kamay ko bago kami tumawid papuntang studio.

Tatlong araw na kaming hindi nagkikita dahil busy kami sa studio ngayon. Naka focus kami sa paggawa ng mga props para sa debut photoshoot ni Deborah. At saka isa pa, ayaw ko siyang makita. Baka asarin niya nanaman ako tungkol sa pagtangkang paghalik ko sa kaniya. Ilang beses niya akong tinawagan sa gabing 'yon para inisin ako.

"Kumakain ka ba?"

"Alam mo, feeling ko tumataba na ako dahil sayo." I sighed and he chuckled.

Totoo kaya. Minsan ay ipapadeliver niya sa guard ng Bently at minsan ay iiwan niya sa studio 'yong pagkain ko. He was too generous. Hindi niya naman kailangan gawin iyon.

Pumasok kami sa loob ng kwarto. Nagtungo ako sa gilid at binuksan ang ilaw. Medyo grassy ang lugar dahil iyon ang gusto ni Deborah. Theme niya kasi 'yong kay tinkerbell na nasa forest daw.

"I think they are going to be a cute couple, do you agree?" natatawang tanong ni Ethan. Tumango naman ako. Ang tinutukoy niya ay si Pong at Deborah. "Kailan sila mag s-shoot? I wanna watch."

"Sa monday daw." Kinuha ko ang mga dahon na ididikit sa transparent na payong. "Iyon ang available time ni Pong since hectic sila sa Med School."

Ngumisi si Ethan. Umiling naman ako dahil alam kong may kalokohan nanaman siyang naisip. Isa-isa kong pinulot ang mga dahon na gawa namin kahapon. Nagupit na namin ito kahapon nina Ian at Jet. Ngayon naman ay iseset-up namin ito sa dalawang transparent na payong at lalagyan ng yellow light sa loob para mag silbing liwanag sa shoot.

"Ako na, Ethan. Umupo ka nalang." ngumiti ako sa kaniya at tinap 'yong upuan. Dapat ay nagpapahinga na siya ngayon sa condo niya.

"Bakit ka nga pala andito?" Tanong ko habang dinidikit ang mga papel. Imbes na umupo ay lumapit siya sa akin at tinulungan akong hawakan ang payong.

"I miss you."

Nag angat ako ng tingin sa kaniya. Pinakunot ko ang noo ko. Alam ko naman iniinis niya ako dahil sa nangyari. Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa naman siya. Maswerte siya at pinapasok siya ni Ian dito. Staff lang naman ang pwede sa loob ng kwarto sa studio.

"Didn't you miss me?" He chuckled.

"Hindi naman."

"Really?" He asked. Nag angat ulit ako ng tingin.

"Really." panggagaya ko sa kaniya. Tumawa lang siya. Naku.

"Ano nga?"

"I wanna see you."

Napairap ako. Ang flirt.

"What? I'm not lying." Natatawa niyang sinabi.

Imbes na sumagot ay hinatak ko siya sa mini stage. Pinahawak ko sa kaniya ang payong saka in-off ang ilaw. Ngumiti ako ng makitang ang cute niya doon. Para siyang inosenteng piloto na naliligaw sa gubat. 

Lumapit ako sa kanya habang siya ay pinagmamasdan ako. May mga ilan pa akong pinagawa sa kaniya at sumusunod naman siya. Hanggang sa nagtagal kami dun. Hindi ko alam kung pumasok si Jet dahil kanina pa ito wala. Dapat kasi kaming dalawa ang gagawa nito ngayon.

In-on ko ulit ang ilaw at naupo sa hapag para gumawa ng lightning flowers. Ilalagay ko ito sa background at sa ibang parte na grassy part. Chineck ko rin kung tuyo na iyong custome na susuotin ni Deborah at ni Pong. Kami rin kasi ang nagkulay nito para mas maging maganda ang kalalabasan.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now