Pilit kong iniintindi ang mga sinabi ni Mercy. But the longer it lingers in my mind, the more shattered I become.
Buntis siya. . .
It means I killed someone.
I killed an innocent life.
It was my fault.
Ayaw kong lumabas ng kwarto. Takot na takot ako. Pakiramdam ko anumang oras ay may mangyayaring hindi maganda. Pakiramdam ko huhusgahan ako ng mga tao sa paligid ko. Pakiramdam ko ang sama sama ko.
Paulit-ulit na tumatak sa isip ko 'yong pag iyak niya. Kung paanong puno ng poot 'yong mga mata niya. Kung paanong ayaw niya akong makita dahil nanunumbalik lang lahat ng mga nangyari.
Gusto kong humingi ng tawad. Gusto kong iparamdam sa kaniya na hindi ko sinasadya. Gusto kong ipaalam sa kaniya na nagsisisi ako. Na sana hinayaan ko nalang siyang saktan ako at hindi na nakipagtalo. Na sana hinayaan ko nalang siya sa kung ano ang sasabihin niya imbes na mangyari ito.
Napahigpit ang hawak ko sa tuhod ko ng marining ang mga katok sa pinto. Tinakpan ko ang tenga ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko.
Ayoko pa. . .
"Mathilda."
Lumunok ako ng marinig ang boses ni Tito Gilbert. Umawang ang labi ko pero hindi ako makapagsalita. Parang may bara sa lalamunan ko. Parang may kamay na mahigpit na nakahawak sa leeg ko. Tapos naririnig ko 'yong pag iyak. Pag iyak ni Mercy at ng bata.
"Mathilda. . ."
Umiling ako at tinakpan ulit ang mga tenga ko. Ayoko pa talaga. . . hindi pa ako handa na makita sila. . . natatakot ako. . .
"Mathilda you need to eat."
Umiling ako ng umiling. Wala akong karapatang kumain. Ang laki ng kasalanan ko. Sino ang magkakaroon ng oras para kumain matapos ang ginawa ko? Kung paanong kahit sa pag hinga ko ay nakikita ko pa rin 'yong mga dugo. Iyong nakahandusay na katawan ni Mercy.
"Kailangan mo ng pumasok. . ."
Mahigpit kong tinakpan ang mga tenga ko. Paano kung sa pagpasok ko ay nakatitig sa akin ang mga mata ng mga tao. Paano kung paulit-ulit nilang ipapaalala sa akin na kasalanan ko. Ngunit kasalanan ko naman talaga. . .
Tinulak ko naman siya diba. . .
Iyon naman ang sinabi ni Mercy sa hospital hindi ba. . .
Na nagalit ako at tinulak ko siya. . .
Na paulit-ulit siyang nagmakaawa sa akin pero hindi raw ako tumigil. . .
Na kahit ilang beses niya akong pinigilan ay hinatak ko siya at walang awang itinulak sa hagdan. . .
"That is what Mercy wants, Mathilda."
Nag angat ako ng tingin sa pinto. Sobrang dilim ng kwarto ko pero parang nakikita ko pa rin 'yong mukha niya. Iyon ang gusto ni Mercy? Gusto niya akong kumain. . . gusto niya akong pumasok. . .
"Sige po." sagot ko at pilit na pinipigilan ang panginginig ng boses ko. "Gagawin ko ang lahat. . ." napatitig ako sa mga kamay ko. "Lahat lahat. . ." bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko na narinig 'yong boses niya. Nanghihina akong tumayo at humarap sa salamin. Sobrang gulo ng buhok ko. Namumugto 'yong mga mata ko. Hindi ko na maalala kung kailan ang huli kong ligo.
Pero ayaw ni Mercy ng magulo. Gusto niya ng maayos dahil nakakahiya raw 'yon sa mga tao. Kaya pinilit kong maligo. Pinilit kong kumain kahit wala akong malasahan. Pinilit ko ang sarili na lagyan ng light make up 'yong mukha ko. Ngumiti ako sa salamin ng makitang nawala na 'yong mga marka na nangyari nitong nakaraan.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24