Ang dami kong baong tanong. Ilang beses ko ngang prinactice 'yong bawat pangungusap. Iyong pagkasunod sunod para hindi ko makalimutan. Pero lahat ng iyon ay wala palang silbi. Ano pa ba ang dapat kong itanong? Kung ang sarili kong ina ay matagal na akong itinatanggi?
Ano nga ba ang laban ko doon?
Napabuga ako ng sigarilyo habang paulit-ulit na nag play sa utak ko 'yong pananakit niya sa akin noon. Sobrang nakakatawa. Na wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang ipagtanggol at unawain siya sa isip ko.
Ang dami kong pinagdaanan sa kamay niya. . . tangina.
Sobrang dami pero kahit ni isa ay hindi ko makalimutan dahil gabi-gabi akong dinadalaw nito sa pagtulog ko.
Ang unfair.
Bakit parang kasalanan ko pa ang lahat ng ito? Bakit hindi niya nalang ako pina abort? Bakit kailangan pang umabot sa ganito? Pakiramdam ko buong buhay ko ay puro kalokohan. . .
Tangina. . . hinanap ko pa siya sa buong bayan ng Baguio tapos 'yong hinahanap ko nasa bahay lang pala?
Anong joke 'yon?
Tinapon ko ang bote sa sobrang sama ng loob. Nag umpisang tumulo ang luha ko. Natutuwa ba siya sa ginawa niya? Natutuwa ba siya na halos mapraning ako kakahanap sa kaniya dito tapos nasa Saraman lang pala siya?
After all these years. . . sobrang pathetic ko naman pala talaga sa paningin niya. Ang daming taong nagmamahal sa akin pero siya ni isang beses lang. . . ni hindi manlang dumapo 'yong kamay niya sa akin para yakapin ako. Para batiin ako ng congrats. Ni hindi manlang niya nahaplos 'yong buhok ko.
Sobrang layo niya kay Ethan. Si Ethan. . . wala pa akong sinasabi pero alam niya na agad 'yong gagawin niya. Alam niya na agad 'yong sasabihin niya. Alam niya na agad kung ano 'yong kailangan ko.
Pero siya. . .
Wala siyang ginawa kundi ang saktan ako. . .
Ngayon, sa tingin ko ay sapat na 'yong rason para piliin ko naman ang sarili ko. Pipiliin ko si Ethan. Sa kanilang dalawa ay mas pipiliin ko pa rin si Ethan. Ubos na ubos na ako sa kaniya. Pagod na pagod na akong intindihin siya.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog dahil sa kalasingan pero nang marinig ko 'yong alarm ko ay mabilis akong bumangon. Alas tres palang ng umaga. Kailangan ko kasing makahabol sa biyahe. Medyo malayo pa naman 'yong hotel papunta sa terminal.
Marami akong kasabay sa bus papuntang Marlboro hills. Iyong iba ay may dalang mga rosas. Valentines nga pala ngayon. Pang six monthsarry namin ngayon. . .
Nandun kaya siya? Iniwan ko lang naman siya sa hotel tapos aasa akong nandoon siya?
Humigpit ang hawak ko sa sunflower. Wala kasi akong ibang maisip na regalo kay Ethan. Balak ko sanang gawan siya ng crochet hat para matchy kami pero naiwan ko kasi 'yon sa bahay. Ayos lang kaya kung sunflower at sarili ko lang 'yong regalo ko?
Isang oras ang biyahe papuntang Marlboro Hills. Alas kwatro palang naman. Nagsimula kaming akyatin 'yon. Tahimik lang ako habang iniisip ko kung nandoon ba si Ethan. Susukuan niya kaya ako? Paano kung ginawa niyang sign 'yong pag iwan ko sa kaniya sa hotel? Paano kung bumitiw na pala siya?
Matapos ang forty minutes ay nakarating na kami doon. Lumunok ako ng makitang bawat isa ay may partner. Ako lang yata 'yong walang kasama dito. Medyo madilim pa tapos foggy 'yong place. Ilang minuto ang hinintay namin ng magsimula ng magpakita 'yong sunset.
Kinagat ko ang labi ng makita ang sea of clouds. Naninikip ang dibdib ko sa tuwa at lungkot. Dahil wala si Ethan. Umupo ako at pinagmasdan ang mga tao na lumapit doon. Ipinatong ko ang bouquet ng sunflower sa lap ko.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24