Napatigil ako sa pagpasok sa kwarto ng makita si Jet. Nag p-prepare kami sa bagong shoot para sa isang debutant. Si Ian ang mag ha-handle nito bukas kasi may pasok na. Irreg student nga pala si Ian ng Sheldon.
"I like your changes."
"Salamat," mahina kong tugon habang pinagmamasdan siya.
He may be talking about my hair, my fashion, and my light makeup. Dati kasi ay hindi ako naglalagay nito. Hindi rin ako nagsusuot ng mga magagandang damit. But this time I tried it for a change. And I think changes are normal.
"Kung gusto niyong maghalikan, sige lang." sabay kaming nag iwas ng tingin dahil sa sinabi ni Ian. I rolled my eyes.
Alam niyang close kami ni Jet kaya wala na sa akin ang mga iyon. Magkaklase kami ni Jetry simula highschool at naging close lang kami noong senior highschool. Katulad ko ay student din siya ng Arts and Design.
Hindi kami mapaghiwalay dati dahil oras-oras ay magkasama kami. It was fun, not until Jet confessed his feelings to me. Ayos lang naman iyon. Pero ayaw ko rin masira ang pagkakaibigan namin.And when he told me that he was going to Manila, I didn't know how to react. Araw araw kaming magkasama sa Bently. Hindi naman sa naging dependent ako but there was a time I felt fear kasi mag isa nalang ako. But I know it was not the end of the world.
Mabilis din akong nakapag adjust. Iyon yata ang ipinapagpasalamat ko sa sarili ko. Dahil mabilis akong makalimot. Pero ngayon, hindi ko akalain na babalik siya.
Tuluyan na akong pumasok sa loob para tumulong.
Simpleng decoration ang ginawa namin dahil 'yun ang gusto ng client. Nilagyan namin ng mga pastel colors ang background. Gumawa rin kami ng mga props para hindi boring 'yong background. Pagkatapos ay chineck ni Ian kung okay na. Noong maayos na ay sabay kaming lumabas ng kwarto.
"Matty, kkb wings?"
Ngumiti ako kay Jet. Namiss ko rin iyong kainan na 'yun. "Ikaw sama ka?" tanong ko kay Ian.Umiling ito at alam ko na agad na sabay sila ng girlfriend niya. Dito ata sila mag l-lunch. "Kain well," makahulugan kong sinabi.
Ngumisi siya. Umiling ako at sumama kay Jet. Inakbayan niya ako hanggang makalabas kami ng studio.
"Bago ang kotse mo?" tanong ko ng paandarin niya ito. Parehas ito sa dati niyang kotse pero iba na ang kulay.
Ngumiti siya. May maliit na dimples sa gilid ng labi niya. Naalala ko tuloy si Miranda. Busy kasi 'yon. "Regalo lang."
We ordered four rice and a bucket of chicken. Korean barbecue ang pinili naming flavor. Dito kami kumakain ni Jet tuwing mahaba ang lunch namin dati.
The seventy-five peso meal is super worth it. May isang rice na iyon at tatlong piraso ng manok. Marami ang estudyante na kumakain dito mula sa ibat-ibang schools, kaya maswerte ka kapag may nakita kang bakanteng upuan at mesa tuwing lunch.
Friendly din 'yong lugar. May dalawang air conditioner. Cute 'yong design at mga gamit sa loob. Nagpapatugtog sila ng chill vibe songs. Nagbebenta rin sila ng mga drinks at kape. At dahil hindi ako mahilig sa kape, iyong strawberry milk ang pinipili ko.Pero minsan napapatikim ako ng caramel miachiatto. Rare lang iyon. Siguro kapag nasosobrahan na ako sa tamis.
May napapatingin sa gawi namin dahil kasama ko si Jet. May pagka bad boy aura kasi siya. Sanay na siya sa mga ganun kaya hindi niya ito pinapansin. Minsan naman ay napupunta ang paningin nila sa akin. At ayaw ko ng isipin kung ano ang tingin nila sa akin."Kamusta ang summer mo?" tanong niya ng mailapag ang pagkain.
Agad akong napangiti ng maalala 'yung lake, water falls, zipline, hanging bridge, at si Ethan. Ang dami kong gustong sabihin.
"Sobrang saya. Dapat pala hindi ako naging tamad dati. Siguro ang dami ko ng napuntahang lugar."
Hindi ako adventurous na tao. Pero sabi nga nila, there's no harm in trying new things. I am exploring what other people do at my age. Open-minded naman akong tao. Although, tinatamad talaga akong makihalubilo dati.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24