Birthday ni Pong ngayon. Totoo pala ang naririnig ko sa mga kaklase ko dati na ang dami niyang kaibigan. Ang akala kong simpleng party ay parang isang VIP party sa isang exclusive club. Dito siya nag celebrate ng kaarawan niya sa Pub na pagmamay-ari nila.
Hinahanda namin ni Ian ang projector sa sulok ng kwarto. The room was spacious. Napapaligiran ito ng mga mamahaling alak. May arcade section din sa gilid ng kwarto.
Sa kabilang portion ng kwarto ay may mga maliliit na bilog na tables na inuukupahan ng mga kaibigan niya. May ibang nagsasayaw sa gitna while vibing with electronic music. At sa gitna ng ceiling ay naroon ang disco ball na nagsisilbing liwanag sa dance floor.
"Uuwi ba tayo kaagad pagkatapos?"
Ian chuckled at my question. "Uwing-uwi ka na ba?"
I shook my head. I was just honestly curios. First time ko kasing maka-witness ng ganito. Kasal, binyag at debut lang naman ang tinatanggap namin ni Ian. Pero 'yong ganito na kahit saang parte ako ng kwarto lilingon ay nagkalat talaga ang mga alak.
Pagkatapos namin mag set-up ng projector lumapit si Ian kay Pong. Kukuhanan namin siya ng larawan. Nagtama ang mga mata namin and he quickly flashed his seductive smile.
"Why don't we have a drink first?" Pong suggested. Ian excused himself because of a phone call.
"I don't drink," I said as I fixed my eyes on the glass he was holding.
Rule number one: When you are at any party, and a stranger or even a friend offers you liquor, don't accept it. They probably put drugs on it.
I know I was clear with myself that I wanted to explore. But obviously, I am here because of work.
He tilted his head and drank it instead. "You don't drink?"
"I don't drink when I'm working." paglilinaw ko.
Baka imbes na magtrabaho ako ay tulugan ko ang trabaho ko. Mahirap na.
He made an 'ow' expression. Inangat ko ang camera ko para makuha niya ang rason kung bakit kami lumapit ni Ian. Mabilis naman siyang ngumiti na parang isang commercial model.
Ilang shots ang ginawa ko. Lumalapit din ang mga kaibigan niya kaya kinuhanan ko sila ng group shots. After that, nilapitan siya ni Vile. Nawala ang ngiti nito at parang wala itong balak mang akit. Iniwan ko na sila doon at bumalik ako sa table kung saan nakalagay ang mga gamit namin.
I transferred the files to Ian's laptop. Kanina pa kasi ako kumukuha ng litrato at gusto kong nakasave ang mga files sa laptop para just in case na may mangyari, hindi na ako mamromroblema.
It took an hour before the program started. Binabati si Pong ng mga kaibigan niya ngayon sa harap ng mini stage. He was sitting on the silver chair. Nakangiti ito habang nilalaro ang hawak nitong tequila sa kaliwang kamay.
Nasundan iyon ni Lucien. Napakatipid ng mga sinabi niya kaya pinalitan ito ni Austin. People are watching them as if they were doing a talk show. Marami pa ang nagbigay ng message sa kanya at halos lahat ng iyon ay hindi ko kilala.
Lumabas muna ako ng kwarto para hanapin ang comfort room. Medyo madilim sa hallway. May naririnig pa akong boses na nagsasalita sa dulo. Binuksan ko lahat ng kwarto na madadaanan ko dahil hindi ko alam kung nasaan dito ang restroom. Sabi ni Ian ay nandito lang iyon sa second floor.
"Adie, you can come. Pong is your friend too."
Napalingon ako sa pinanggalingan nito. It was Stanley Matteo. Kanina pa siya hinahanap ng mga kaibigan niya dahil hindi pa raw ito nagpapakita. Hindi ko sinasadyang makita si Sadie sa screen ng phone niya. Ibinalik ko ang tingin sa mga pintuan.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24