Tahimik kong pinagmamasdan ang cellphone ko habang panay ang pag vibrate nito. Padabog kong isinalampak ang headphone sa tenga ko at saka lumabas ng bahay. Ayoko pang sagutin ang tawag niya. Hindi pa ako handa.
Matapos ang usapan namin ni Mercy litong-lito ako kung ano ba ang totoong nararamdaman ko kay Ethan. Natatakot ako kasi baka totoo ang sinabi niya. Ano nga ba ang alam ko sa pagmamahal? Pakiramdam ko sobrang bilis ng mga pangyayari. Kung paanong pumayag agad ako na maging kami.
Pero. . . gusto ko siya.
Pero. . . mahal ako ni Ethan.
Sapat na nga ba 'yun?
Parang ang unfair naman nun.
Wala na ngang ginawang iba ang tao kundi alagaan ako at punuin ako ng pagmamahal pero ako 'yun lang? Yun lang ba talaga ang kaya kong gawin?
Pumasok ako sa seven eleven at kumuha ng mga noodles doon. Wala akong balak na kainin 'yong mga noodles na binili ni Mercy. Kasi kapag kinain ko 'yon baka mas lalo lang akong maguluhan. Natatakot ako na baka totoo ang sinasabi niya. Natatakot ako kasi baka ganun nga talaga ang nararamdaman ko.
Na komportable lang ako sa kaniya. . .
Na baka gusto ko lang siya dahil nandiyan siya para sa akin. Na baka gusto ko lang siya dahil mahal niya ako. Na baka gusto ko lang siya dahil nasa akin ang buong atensyon niya. Ang daming baka. . . wala manlang kahit isang sigurado.
Kumuha rin ako ng soju at mabilis na binayaran ang mga pinamili ko. Umuwi rin ako kaagad dahil ayaw kong maiwan si Cooper ng mag isa. Napatingin ako sa cellphone ko ng tumahimik na ito.
Isang linggo na simula ng ihatid niya ako sa bahay. Pero kahit isang beses ay hindi ako nagpakita sa kaniya. Kahit isang beses hindi ko sinagot ang tawag niya. Kasi ang unfair ko.
Paano nga kung komportable lang ako sa presensya na?
Binuksan ko ang cellphone ko. Naglikot ang mga mata ko habang binabasa ang mga mensahe niya. Na kahit isang linggo ko ng hindi sinasagot ang tawag niya. . . ako pa rin ang iniisip niya.
'Refrain from staying up late."
'Sorry for calling, I was just checking up on you. I understand that you are busy. Please know that I am always available if you need help.'
'Goodnight baby, I love you.'
Bumuntong hininga ako. Nakokonsensya ako. Kasi ang bait-bait ni Ethan. Na-d-disappoint ako sa sarili ko. Kasi bakit kailangan niyang mapagdaanan ito sa akin? Siya iyong tao na mahaba ang pasensya. Siya 'yong tao na maintindihin. He was selfless. Inuuna niya ako palagi kahit pagod din siya sa flying school niya.
Pagkatapos kong kumain ay natulog ako. Iyon lang naman ang paraan para makatakas mula sa malalim na pag-iisip. Iyon lang ang paraan ko para mawala ang guilt na nararamdaman ko. Kasi nakakatakot. Nasasaktan ako at hindi ko maipunto kung ano 'yong dahilan.
"Darcy," ngumiti ako sa kaniya. Pumapayat na siya. Pagod na pagod na 'yong mga mata niya.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Tahimik kong hinahagod 'yong likod niya. Ang sakit marinig ang iyak ng isang masayahing tao. Kasi si Darcy. . . kahit anong problema nagagawan niya ng paraan para masolusyunan ito kaagad. Pero lahat naman 'yun may hangganan. Napapagod rin naman sila. Kahit anong ngiti nila. . . mapapagod at mapapagod din naman sila.
"Si Mama. . ." iyak niya.
Hinagod ko muli ang likod niya. Naikwento na sa akin ni Rhianna na bumabagsak siya sa mga quiz niya. Hindi niya raw ito makausap ng maayos kaya nilapitan niya ako. Hindi rin kasi nagsasabi ng problema si Darcy. Gustong gusto niya na sinasarili niya ang problema.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24