Chapter 10

146 17 0
                                    

"Anong sabi mo?"

Nalilito ako.

Wala akong makitang dahilan para mag volunteer siya na maging boyfriend ko.

"Choose me as your boyfriend." Casual niyang sinabi. Ngumiti siya at nakita ko ang magkabilang dimples niya. Gusto kong tusukin 'yon pero naalala ko ang sinabi ni Ethan.

"Wala ka bang girlfriend ngayon?" tanong ko. Ayaw ko naman maging kabit kung sakali.

He sighed. "Belle, if I have a girlfriend and I keep on hanging out with you, matagal na kaming nag break."

"You mean wala kang girlfriend?" hindi makapaniwala kong tanong.

He chuckled at my reaction. Inabot niya ang soda ko at ibinigay ito sa akin. Siya rin ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Habang narito ako at prinoproseso ang mga sinabi niya.

"Ethan seryoso ka ba?"

"Mukha bang hindi?"

Bakit ganun? Ang manly niyang pakinggan kapag nagtatagalog siya ngayon? Dati hindi ko naman napapansin ang accent niya. Pero ang ganda pakinggan ng boses niya sa totoo lang.

Umupo siya sa tabi ko. Pinanood kong siyang pagmasdan ang maliliit na alon habang ako ay nakatitig sa mukha niya.

"Choosing me as your boyfriend would be a great choice. Hindi mo kailangan mag panggap na gusto mo ako. Hindi ka ma g-guilty kasi we both know that we don't have feelings for each other." He bit his lips and stared into my eyes.

Mahina akong tumango. "Alam kong type kita Ethan pero pag-iisipan ko muna, okay ba 'yon?"

Kumunot ang mukha niya at hindi na nagsalita. Hinatid niya kami ni Cooper sa bahay pagkatapos ng gabing iyon. Nagdadalawang isip ako. Ethan has a point. Pero ano naman ang makukuha niya sa akin?

Medyo naguluhan ako. Ayaw kong tawagan si Darcy dahil may trabaho iyon at wala akong planong dagdagan ang mga problema niya sa buhay. Marami ng prinoproblema ang babaeng 'yon. Kaya ko naman siguro itong lampasan pero hindi ko alam kung oo na ba agad ang sagot ko kay Ethan.

Tinitigan ko ang screen ng cellphone ko. Hindi ako mahilig mag bukas ng social media dahil umiikot lang ang mundo ko sa pag pinta at sa camera. Binuksan ko ang messenger at bored na nagpipindot doon.

Napatigil ang daliri ko ng makita ang note ni Sachi. Inaccept ko na ang friend request niya sa FB dahil kinukulit niya ako tungkol dito. Ang kapal ko raw dahil dalawang taon na 'yung friend request niya. Ako pa talaga ang sinisi.

'Clubbing?'

Matagal na akong curios kung ano ang itsura sa loob ng club sa totoong buhay. Ilang minuto kong tinitigan ang note niya. Hindi naman lingid sa kaalaman ko kung ano ang ibig sabihin niya nun.

Ilang minuto akong nag isip.

Hanggang sa magsimulang mag type ang mga daliri ko. Pinagmasdan ko ang reply ko sa kaniya. Hindi pa umaabot ng isang minuto ay nag seen siya sa message ko. Tapos ngayon nakikita ko ang gulat niyang mukha sa screen ng cellphone ko.

"Totoo ka ba?" madrama niyang bungad sa akin.

Nagkitbit-balikat ako. "Picture lang siguro?"

Natawa siya. "Ipapasundo na kita!"

Hindi na ako nakapagsalita dahil sa gulat. Nagtungo ako sa closet ko. May masusuot nga ba ako? Hindi pa ako nakapunta ng club. Alam ko naman ang dapat isuot doon. Unfortunately, wala akong mga damit na pang clubbing.

Nakatanggap ako ng text kay Sachi na dalhin ko raw si Cooper dahil balak niyang mag umaga kami sa club. I was amazed that I didn't even bother to protest. Parang may kung ano sa kaniya na hindi ko matanggihan ang alok niya.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now