Maaga akong nagising.
Pagtingin ko sa relo ko ay five palang ng umaga. Dahan-dahan akong lumabas ng tent dahil masarap pa ang tulog ni Stanley.
Nagtungo ako sa sasakyan niya at kinuha ko sa backseat ang easel at canvas. Pagkatapos ay humarap ako sa sa lake. Nilagay ko naman ang tripod at camcoder sa likod ko. Ganito ang set up ko tuwing nag p-paint. Likod, buhok at kamay lang ang nakikita sa akin. Mas naka focus 'yong cam sa canvas.
Saglit akong tumigil at pinagmasdan ang ibat-ibang kulay ng ulap. Matapos kong namnamin ang tanawin ay ibinalik ko ulit ang tingin sa canvas and I started scribbling my paintbrush on its surface.
Palipat-lipat ang tingin ko sa canvas at sa lake. Nasa tabi ko si Cooper na pinagmamasdan ako. Napangiti pa ako ng may mga ibon na dumapo sa wooden table kung saan naka-set ang mga art materials ko.
Ilang saglit lang ay tumigil ako. Pumunta ako sa lake para amoyin ang simoy ng hangin at pagkatapos ay bumalik ako sa harap ng canvas. Ipinagptuloy ko ang paglalagay ng mga light colors doon.
"Morning." Stanley greeted in a sleepy voice.
Tumigil ako sa ginagawa at ngumiti ako sa kanya. "Good morning."
"What do you want to eat for breakfast?" he asked. He rested both of his hands on his waist while his eyes remained on the canvas. He looked fresh. Ang ayos pa rin ng buhok niya kahit kakagising niya palang.
"Kahit ano? Ikaw bahala." kasi siya naman ang magluluto.
He nodded and bit his lips. Natunton ulit ng mga mata ko ang malalim niyang dimples habang siya ay titig na titig pa rin sa canvas.
Nagkibit balikat ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Isang oras ang lumipas bago ko ilapag ang mga paintbrush na ginamit sa wooden table. Pagkatapos ay kinuha ko ang camcorder at ichinarge muna ito.
Ibinabad ko muna ang mga brush na ginamit ko sa isang plastic cups na may tubig. Niligpit ko na rin ang mga acrylic paint. Pagkatapos ay nagtungo ako kay Stanley na abala sa pagluluto.
Kumunot ang noo ko ng makita ang century tuna na nilagyan ng itlog. I could feel my tummy grumbling because of its smell. May iba pang ulam na nasa mesa pero ito talaga ang nagpukaw sa atensyon ko.
"Sandali nalang 'to." he said.
Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Saan mo natutunan 'yan?" curios kong tanong.
"Vile," tipid niyang sagot. Close yata sila ng Miller na 'yon dahil barkada niya ang kuya nito.
"Ang galing," I said as I tasted the dish. Masarap siya lalo na at nanunuot ang sabaw ng century tuna sa itlog. "Hindi ko talaga talent ang pagluluto."
In-off niya ang stove at ngumiti sa akin. "I watched Youtube to learn. Nag r-research din ako ng ibat-ibang recipes. It really helped me."
Ngumuso ako. "Mali. Dapat sabihin mo I can teach you Belle."
Natawa siya. "Yeah, I will."
Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga?"
He smirked. "Yes, if you insist."
Pabiro akong sumimangot sa kanya at inumpisahan ang pagkain ko. After namin magbreakfast ay naligpit na namin 'yong mga gamit. Naligo rin kami sa lake para masulit namin 'yong place. Aalis na rin kasi kami pagkatapos ng isang oras.
I will miss this place. Sinikap kong madaanan lahat ng mga mata ko ang paligid para hindi ko ito makalimutan. Kasi ito 'yong unang place na pinuntahan ko na malayo sa Downtown.
I would take this as a reward for consistently being rank one in our Department during senior high school. And for staying in the third place in our overall batch. For successfully enrolling myself in Bachelor of Arts in Film. And for everything that I have done in my life that needs to be rewarded.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24