Chapter 1

681 31 50
                                    

Kung makapag vibrate itong cellphone ko ay parang LPG na handa ng sumabog. I snatched it and clicked the answer button. Si Ian pala ang tumatawag.

"Oh?" sagot ko habang isinusuot ang rollerblade ko.

"Matagal ka pa ba?"

"Slight."

Tumayo ako at inayos ang straps ng crochet top ko. Tube ang style nito ngunit kaunti lang ang tela sa likod. Ginawa ko ito noong nakaraan. Ang saya kasi. Naisipan ko ngang pwede akong magbenta kapag paubos na ang savings ko. I paired it with a loose highwaist jeans.

Saglit siyang bumuntong hininga sa kabilang linya. "Our client is here."

"Okay, malapit na ako." sigurado kong sagot.

Ibinaba niya ang tawag pagkatapos. I tried smiling on the mirror bago ko kunin ang crochet bag na nakasabit sa likod ng pintuan saka lumabas.

Habang pababa ng hagdan ay naroon siya sa living room at nagkakape. Our last conversation was still fresh on my mind but I don't care anymore. I'll choose happiness this time.

Napalingon ito sa akin. Hindi naman ako nag iwas ng tingin at pinakatitigan din siya. She was surveying my outfit. Mula ulo hanggang paa. Nanunuya siyang ngumisi. Ngumisi rin ako.

"What are you wearing?"

I shrugged. "Damit siguro?"

She scoffed. "You really have that nerve."

I sighed in dismay. "Oo, I am a reckless child, remember?"

"I wouldn't wonder kung bakit mana ka sa nanay mong pokpok."

She mentioned my mother again. Iyong ina kong hindi ko pa nakikita. Iyong ina ko na wala akong balak hanapin dahil nariyan siya.

I shrugged. "Ayos lang na matawag na pokpok dahil sa pananamit ko rather than live a life full of hypocrisy."

Pokpok na ba agad kapag maiksi o kulang sa tela ang susuotin mo? Kapag naman mahahaba at makakapal ang damit mo ay tatawagin kang neneng. Kapag naman simple lang ang suot mo ay tatawagin kang baduy.

I don't get why people have that mentality. Fashion is also an expression. Dressing can show your personality. And that means that you cannot judge just because the person is wearing a fitted shirt, short skirt, or baggy shirt.

Tumayo siya. Naglakad siya patungo sa akin. Umangat ang palad niya sa ere hanggang gumawa iyon ng ingay sa pisngi ko.

"You are still that ungrateful kid. Hindi kita pinalaki para pagsalitaan ako ng ganyan."

Natawa ako ng mahina. "Sure. Hindi ka pa ba tapos? May trabaho pa ako."

"I regret raising you." mariin niyang sinabi. Puno ang mukha niya ng pagkadisgusto.

Tipid akong ngumiti kahit gusto ko nalang umalis sa harap niya. "Don't worry; I am trying my best not to regret being raised by you."

Umangat nanaman ang kamay niya at lumapat iyon sa kabila kong pisngi. Nanginginig siyang tumalikod at umakyat sa hagdan. She was trying to calm herself. What for? As if I've never seen her worse.

Funny.

Umalis na ako sa bahay. Binilisan ko ang pag glides ko dahil baka mag start na si Ian. Nag vibrate nanaman ang phone ko kaya sinagot ko ito.

"Malapit na ako." inunahan ko na siya.

"Can you slow down?" napahina ang pagpapadulas ko dahil sa lambing ngunit masungit nitong boses.

Tiningnan ko ang screen ng phone ko at unregistered number ang nakalagay. Usually, hindi ko sinasagot ang mga unknown number pero ibinalik ko sa tenga ang phone ko.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now