I blinked to stop the tears from rolling down my cheeks. He just announced that Mercy had told him everything. This could only mean one thing. She knew that I was. . . pregnant.
"Why didn't you tell me?" he asked after a long silence. Nakatitig lang kami sa isat-isa. Sabay na umiiyak at patuloy na inaalala ang sakit sa nakaraan.
"Kasi ayaw kong madamay ka." bulong ko.
Napapikit siya. Parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Nag iwas ako ng tingin at huminga ng malalim. Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang problemahin ang sakit. Pakiramdam ko ay masyado na akong pinaglaruan ng tadhana.
"You should have told me. . ." his voice broke. "I should have been there for you."
"Bakit? Anong gagawin mo kapag sinabi ko sayo?" I asked not hiding my frustration. Pinahid ko ang mga luha at tumitig sa kanya. "Anong mararamdaman mo kapag sinabi ko sayong magkapatid tayo?"
"I don't know. . ." he sobbed. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. He was gently removing my tears, which made my heart sink. "But perhaps I will forget about the damn world, forget about the fucking ethics, and still run to you. . . hindi naman magbabago ang nararamdaman at pagtingin ko sa'yo. I will still love you, Husbelle. Against all the odds, I will still choose you."
"Pero. . . mali 'yon." nanghihina kong tugon. Mapait akong ngumiti. "Mas lalo lang magkakagulo, Ethan. Baka umabot sa punto na mapagod tayo sa isat-isa. Ayaw kong umabot sa ganun. . . kasi minahal naman talaga kita."
Tumulo muli ang luha ko at pinigilan ko ang humikbi. Nahihirapan na akong matukoy kung alin ang pinakamasakit. Iyong alam ba ni Mercy na buntis ako pero pinili niya pa rin akong pahirapan. Iyong nalaman kong si tito Gilbert pala ang ama ko. At ngayon si Ethan. . . na kayang kalimutan ang lahat para lang magpatuloy na piliin ako.
Mas lalong nanubig ang mga mata ko. "You have dreams, Ethan. Nandoon ako kung paano ka maexcite na gawin ang mga pangarap mo. Nakikinig ako sa tuwing sinasabi mo sa akin kung ano ang uunahin mo sa mga pangarap mo."
Pinagmasdan ko ang mukha niya na pinipiga ng pagdadalamhati. "And it's better to keep it that way kesa tayong dalawa ang masira. Ayaw kong madamay ka. . . natatakot akong masira ka. Because I know it will affect you miserably." because it destroyed me over the years.
"But you have dreams too. . ." bulong niya at hindi nito naitago ang muling pagkabasag ng kanyang tinig.
"Nakaya ko naman. . ."
"You don't understand. . . It broke my heart so much that I wish I could go back in time and be there with you! Kahit paulit-ulit mo akong itaboy ayos lang. You have no idea how much I despise myself that you went through it alone. . . It makes me feel useless. . ." his shoulders were shaking as he looked at me. Pinaghalong pagsisisi at galit ang nakikita ko sa mga mata niya. "I was willing to be a father to anyone but I couldn't even man up to my twins. . ." pumiyok siya at pakiramdam ko ay pinatay nanaman ako.
"Hindi mo naman alam. . ." humikbi ako ulit at pinantayan ang mukha niya ng maupo siya. "Hindi ko rin alam. . . nalaman ko lang kung kailan wala na sila. . ."
Hindi ko rin inaasahan na may mabubuo dahil alam kong safe ang ginawa namin. Nagpa inject ako. Pero sa sobrang kapabayaan ko, hindi ko napansin na hindi na ako umulit sa pangalawang session. Nakaligtaan ko dahil sa tahimik kong pagdadalamhati sa mga nalaman ko noon.
Mag f-four months na ang bata sa tiyan ko pero hindi ko manlang napansin dahil sa sobrang liit ng tiyan ko. Nagising nalang ako isang araw na sumasakit na ang tiyan ko. Dinala ako kaagad ni Rowan sa hospital ngunit huli na. Wala na 'yong mga bata sa sinapupunan ko. . .
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24