Chapter 6

324 13 0
                                    

"Paano mo nalaman itong lugar na 'to?" hindi ko maitikom ang bibig ko habang nakatitig sa water falls.

May isang hut sa gilid nito kaya hindi na siya nagdala ng tent. Kami lang ang tao rito pero sabi niya ay may caretaker daw ang lugar. Tinanong ko rin siya kung may babayaran pero ang sabi niya ay ayos na raw dahil ako naman ang nag grocery. May floating bamboo pa sa tubig at may tali ito papunta sa falls.

"Local map." sagot niya.

"Feeling ko ang kasunod nito dadalhin mo na ako sa palayan." wala sa sarili kong sinabi.

Kumunot ang noo niya. "Palayan?" 

"Ricefield."

He smiled. "I'll take that as a suggestion."

Nanlaki ang mga mata ko at mahinang natawa. "Luh, mag isa ka. Uuwi talaga ako."

I heard him chuckled before I entered inside the hut. Sakto lang iyon sa pangdalawahang tao. May maliit na kusina at lababo. May lutuan. Katamtamang living room at isang kama na kasya ang dalawang tao. May cr din sa loob.

Halatang may naglilinis dahil wala akong makitang kahit manipis na alikabok. Mabango rin ang loob. Magaganda ang mga furnitures at halatang idealistic ang may ari.

Inilagay ko ang bag sa maliit na sofa at gawa sa bamboo. Ganun din ang ginawa ni Stanley. Pagkatapos ay sinamahan ko siyang magtungo sa hindi kalakihang refrigerator. Inilagay niya sa loob ang mga pagkain namin. May mga alak din siyang nilagay na binili ko. At pagkatapos ay lumabas na kami.

Dinala ko ang camera ko at kumuha ng maraming larawan. Usually, ang mga kinukunan ko ng litrato ay iyong mga simpleng bagay lang. Some people might say that I am wasting my time capturing them but I am really fond of underrated things or scenery.

Sabi nila advantage ko raw ang talent ko, dahil kahit simple lang ang kinukuhanan ko maganda raw ang outcome. Malakas daw magpahiwatig ng mensahe. Kadalasan ay iyon ang naririnig ko sa mga kaklase at instructors mula sa Arts and Design Department dati. Hindi rin naman madali ang mga ganun. Nahasa lang ako dahil member ako dati ng school publication ng Bently.

"Mahilig ka ba sa nature?" I asked as I sat beside Stanley. Nakatitig kasi ito sa falls.

"Nature is quite comforting. . . just peaceful." 

Natawa ako. He looked at me with his forehead creased. "Sorry, pero maingay kang tao. It's weird kung sabihin mong you like something that is peaceful?"

Napangiti siya. "Yeah, I won't deny that I am a loud person."

"Bakit ang tahimik mo kapag ako ang kasama mo?" curios kung tanong. Hindi naman ako ang librarian na papagalitan siya kung mag ingay siya.

"Because you were intimidating before." he leaned his elbow to focus his gaze on me. "And suddenly, you become. . . different."

Tumitig ako sa tubig na sobrang linaw. May mga isda pa akong nakikita na malayang lumalangoy sa tubig.

"Hindi ko rin i-dedeny. But Stanley, if I am making you uncomfortable, I think we should stop this. I don't want to end up asking myself kung mahirap ba talaga akong pakisamahan." I honestly said.

Because I want this to be natural. Ayokong maging mukhang napilitan lang siya sa pag sama sa akin. Alam kong hindi na siya tensed na kausap ako. Pero kung hindi siya komportable at kailangan niyang ibahin ang sarili pag kasama ako hindi ko ito magugustuhan.

Naramdaman kong napatayo siya. Humarap siya at inilahad ang isang kamay sa akin. Nagtataka ko siyang tinitigan. "Come on, Belle. Give me your hand."

"Maliligo ba tayo?" nagtataka ko pa ring pinagmasdan ang kamay niya.

The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]Where stories live. Discover now