"First destination natin. . ." pinaliit ni Jet ang mga mata sa hawak na papel.
Mag f-film kami sa mangilan ngilang notable na tao sa siyudad. Specifically, those people who enriched the culture of Saraman. Kabilang na doon ang mga taong kasali sa orchesta, mga taong matagal ng sumasali sa festival dance, ang pamilyang nagbebenta ng tinapa na naging signature dish dito sa lugar namin.
Marami pa iyon at kabilang din sa pupuntahan namin ay ang mga tourist attraction sa buong Saraman. The clip will be serve as an opening ceremony before the Festival dance will start.
Na experience na namin ito dati pero part lang talaga kami ng production. Ngayong taon, kaming dalawa na iyong gagawa. Alam kong hindi madali pero mag eenjoy din naman ako.
"Yung malayo ba o malapit?" tanong ko ng makapasok sa sasakyan niya.
Sabado ngayon. Naisipan namin mag shoot tuwing weekends. At tuwing vacant namin sa weekdays, pupunta kami sa bawat station ng downtown para ma-i-record 'yong progress. Sa gabi naman ay tutulong kami sa sa paggawa ng float. Ayaw ko ng isipin ang pagod dahil mas lalo lang ako mapapagod.
"Malayo 'yung mga tourist attraction sa downtown. Unahin muna natin 'yung mga tao tapos ihuli natin 'yung mga tourist attraction. Ayos ba 'yon?" suhestiyon niya at tumango ako.
It was a good idea para organize 'yong shoot namin. Una naming pinuntahan ang store ng tinapa. I witnessed how they sell from their small bamboo tree house before. Madadaanan ang bahay nila dahil nasa bungad sila ng highway. Makikita mo rin ang usok na nagmumula sa niluluto nilang tinapa.
Their hardwork paid off after years of being consistent. Imagine, from gradeschool hanggang sa nag senior highschool ako, doon na sila nagkaroon ng store na gawa na sa bricks at salamin. Nagbebenta rin sila ng ibat-ibang food souvenirs. At araw-araw ay nauubos ang tinapa na ibenebenta nila.
Pagkatapos namin doon ay pinuntahan namin iyong old member ng symphony orchestra. Dinadayo rin kasi sila mula sa ibat-ibang lugar. Marami rin silang nahakot na awards kaya mas naging kilala ang siyudad. Marami pa kaming pinuntahan pagkatapos nun.
Natapos namin ang shoot hanggang alas syete ng gabi. Masakit ang katawan ko pagkababa ko ng sasakyan ni Jet. Nagsimula kaya kami ng six ng umaga. Ilang tao rin ang pinuntahan namin. Siguradong mananakit ang katawan ko.
"Ingat ka," pagod akong ngumiti sa kaniya. Ngumisi pa siya. "Gusto mong kumain?"
"Inaantok na ako."
"Sayang naman, third wheel sana natin 'yong boyfriend mo." ngumuso siya sa likod ko.
Napalingon ako doon at nakita si Ethan na papalabas na ng building. "Gago, puntahan mo na 'yong Jessica mo."
Tumawa lang siya saka nagpaalam. Hinarap ko si Ethan na inakbayan ako. Hinalikan niya ako sa noo at parang magic na natanggal lahat ng pagod ko.
"Someone needs a box of salonpas tonight." hinawakan niya ang bewang ko at isinandal ko ang ulo sa balikat niya habang naglalakad kami sa lobby.
"Binilhan mo ako?" nakangiti kong tanong.
"Ako pa." pagmamayabang niya.
Naiiling akong ngumiti. As soon as the elevator closed, I encircled my hands on his waist. Ang bango niya tapos ang gwapo pa. Wala naman akong hilig sa mga gwapo dati pero ngayon, napapansin ko talaga ang kagandahan ng mukha niya tuwing magkikita kami.
Napunta ang mga mata ko sa kamay niya. Napansin ko na uneven 'yong kulay ng balat niya. Maputi si Ethan, pero ngayon ay kapansin pansin ang slight tan ng balat niya. Kumunot ang noo ko ng makitang may mga scratch 'yong palad niya.
YOU ARE READING
The Captured Moments: Scandalous Series 3 [ON-GOING]
RomanceHusbelle Mathilda Sevilla UNEDITED Date started: 08/6/24 Date finished: 11/13/24